Chapter Sixteen >>

35 2 0
                                    

Chapter Sixteen >>

—————————————————————————-

"Kim Bitong, arestado ka."







Hayss.. Bakit ba kaylangang mangyari ang ganitong mga bagay? Lumipas ang isang oras na nananahimik ang lahat ng tao sa gusali, na nakaupo at gulat na gulat sa nangyri. Hindi nila inakalang ang tinaguriang DJ JAM ng school ay naging killer dahil sa sakit na nararamdaman ng kanyang puso. Kahit si Patrick ay nagulat. Hindi niya inakalang magiging ganun si Kim. Pero alam ko ang sobrang ikinagulat niya at ikinalungkot niya ay ang pagpanaw ng kanyang minamahal na si Aika.


Naalala ko pa noon kung gaano nag-effort si Patrick makuha lang ang 'yes' mula kay Aika. Almost 1 year din siyang nanliligaw. Hayss.. Bakit ba ganitong pangyayari ang nangyari sa retreat namin? Ang saklap naman.


Habang damang-dama ko ang lungkot bigla naman akong niyakap ni Dominique.


"Oh Dominique." nasambit ko. "Wag ka nang malungkot." ang sabi niya sakin habang aka-pout. Oo nga masaklap nga ang nangyri, pero ung sa buhay ko maganda. Dahil lahat ng past ko naalala ko na. At nakilala ko si Dominique na kababata ko noon na mahal na mahal ko hanggang nagyon. Ang problema lang ay yung sinabi ni Mr. Mystery este Mr. Banzon na papa ni Dominique, na patay na siya. Hindi ko alam kung pano nangyari to. Kung paano ko siya nakikita. Bakit?? Hayss. Well anyway. "Dominique punta ka muna sa music room susunod ako may aayusin lang ako saglit." Ang sabi ko kay Dominique at agad naan syang tumungo at sinabing, "okay, hhntyin kita ha?" shizz men she's so adorable when she i smiling. Haha, at nakaalis na sya ng tuluyan.


Pumunta nako sa taas sa room ng pinanggalinga ni Kim. At nagulat ako sa nakita ko, andun si Patrick? Samantalang kanina nasa baba lang siya eh. kaya tinawag ko siya


"Pat, ayus ka lng? anung ginagawa mo dito?" tanong ko. "Eli. Bakit siya pa? Hindi nalang ako? Bakit pa??!!!" mahinahon sabay sigaw ng malakas sa akin at hawak hawak ng mahigpit ang mga braso ko. ....Ilang segundo hndi ako nkapagsalita dahil sa nkakatakot ang mukha niya. Maya-maya napaluhod siya at napaiyak. "Pat..—" Hindi ko pa natatpos ang sasabhin ko may sinabi siya. "Kung wala na siya, wala nang saysay ang buhay kong to. Paalam." nagulat ako sa sinabi niya, akala ko mali lang ang pagkakarinig ko kya lumuhod ako upang makapantay ang mukha nya. "Ano bang——-"





o.O









Sa isang iglap,








Dumating na ang ambulansya..








"Tumabi kayo jan!" sabi ng mga police.



"Magsinahon kayo mga bata." sabi ng ilang mga guro.



"Umalis na tayo dito! mababaliw nako!!" sabi ng isang estudyante.



"Ma'am maari po bang magsibalik na kayo sa inyung bayan upang maging ligtas na kayo." Sabi ng isang detective sa aming principal.




"Ma'am handa na po ang mga bus natin." sabi ni manong driver.





Sari-saring mga boses na ang naririnig ko, iba-ibang mga pangungusap na halatang natataranta ang lahat. Ngunit sa sobrang dami ng aking mga naririnig isang pangunguap ang hindi ako makapaniwala.........











"Patay na si Patrick.."

















A/N: Hi po! Sorry po antagal n panahon bago ko po na-update uli tong CR2 hayaan niyo po ipagpapatuloy ko npo ulit :)


Comfort Room 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon