Comfort Room 2
"Chapter One"
--------------------------------------
*SA THIRD YEAR ROOM / 2ND FLOOR*
Isang taon na ang lumipas simula nang mangyari ang aksidente sa paaralang CCA. Na kung saan tatlong 2nd year students ang kinuhaan ng buhay ng kanilang kaklase. Oo! Hindi ako nagkakamali, kaklase nila si Loran Siron. Nakasulat pa nga sa pahayagan ang buong pangyayari. Nasaan siya ngayon? Katabi ko. Oo, katabi ko siya ngayon. Nakalabas na kasi siya sa DSWD. Kaya't kaklase ko siya ngayon.
"Okay III-Luke, nalalapit na ang retreat ninyo." sabi ni Sir Justin, ang aming adviser. "Sir saan po ung retreat? At kaylan?" si Aika Rirao yan, ang class president namin. "Sa RIP mountain sa tarlac" sagot ni sir. "Wow!!!! Ang layo! Masaya to! " si James Acosta naman yan. Gala yang taong yan kaya gustong malayo. "Sir kaylan po?" Tanong ni Liah Caringal, my bestfriend simula nung grade 6 palng kme. Nauna kasi siyang lumipat dito kaya halos kaybigan na niya ang lahat ng kaklase ko. Syempre ako bago palang. "Ah sa February 3." sagot ni sir. "Yes malapit na!!!!!!!!!!!" Si Gideon Gentilezo naman yan. Sinabi niya yun na may nakakalokong tawa. "Sir ano po ba yung retreat?" Tanong ng kasamahan ko, si Christian Dela Paz. Bakit ko naging kasamahan? Parehas kaming transferee eh, kaya kahit ako di ko alam kung anong meron sa retreat na yan. "Eto ay isa sa mga activities ng school. 2 days and 1 night kayo dun hndi para gumala at magsarap buhay kundi may mga activities kayong gagawin dun para naman magsibait kayo." Sagot ni sir na nakangiti sa akin. Haha. Well, yun pala ang gagawin sa retreat. Mukhang masaya to, dun kaming lahat matutulog? Yey!
"Eli!" Narinig kong may tumawag sakin. Pero di ko alam kung sino kaya hinayaan ko nalang. "Charlito Fernandez!!" Tama ba namang buong pangalan ko? Okay si Dennie Kaye Bitong pala ang tumawag sakin. "Sasama ka?" tanong niya agad sa akin. " oo, mukhang masaya eh." Sagot ko. "Masaya talga yun! Diba loran?" sabi nya sabay tingin kay loran. "Oo masaya yun suuupppeeeerr!" Sagot niya. Grabe, kahit alam nang lahat na nakapatay siya ng 3 kaklase nila last year, maganda parin ang pakikitungo nila sa knya. Dahil ako, parang ayoko nang pumasok nang dahil sa kanya. Natatakot ako baka onting pagkakamali ko lang eh, patayin na niya ako. Yung tipong papatayin niya ako sa pamamagitan ng ballpen? Yayksss. Kung anu-ano nasa isip ko. Erase, erase! Nagbago na daw siya, matino na ulit siyang tao. At kaya lang daw naman niya nagawa yun dahil sa isang AKALA.
Almost 9 months na kong pumapasok dito, pero hindi parin talaga maalis sa isip ko na may kaklase akong pumatay ng kanyang mga kaklase rin last year. Katabi ko pa.?! Wala akong magagawa.
*BAHAY*
Nagsabi na ako kay papa about sa retreat, at sinabi niya na okay daw. At binigyan na ako ng pera pang bayad para sa retreat. Tumaas ang mga balahibo ko nang biglang sinabi ni papa na.....
May COMFORT ROOM ba dun sa RIP mountain?
...........
(A/N: Si Charlito Fernandez po ung nasa side. :) )
BINABASA MO ANG
Comfort Room 2
TerrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang transferee sa CCA. Si Charlito Fernandez. 6 years old palang siya nang lumipat sila sa Manila ng bahay. Sa Cavite siya nanggaling. Si Liah Caringal ang naging unang bestfriend niya sa Manila noong grade 6 siya. A...