Otso

1.9K 41 0
                                    

Honey's POV.

"Were here."Isang tinig ang nagpagising sa'kin.

"Uhhhhmmmm..."Naramdaman ko ang pagbangon ni JM at pagkusot nya ng mata.

"Honey andito na tayo."Husky pa ang boses na pag-gising sa'kin nito.Sabay alog sa'kin.

Tumango lang ako. Parang ang bigat bigat ng talukap naman kasi ng mata ko.

"Hoy Beks tama ng pagsiksik dyan kay JM. Andito na tayo at hinihintay na tayo nila tita."Ang ingay talaga ng bunganga nitong si K-el

Tita?

Oo nga pala sa bahay nga pala kami nila Justin pupunta.Unti-unti akong dumilat at nashock sa position namin ni JM nakayakap ang kamay ko sa'kanya.

Bigla akong umayos ng upo. Okay lang kung kami lang ni JM pero sa harapan ng mga taong nanunukso samin.Feeling ko pulang pula ang pisngi ko lalo na ng makita ko sila Gia.

"Kuh nahiya ka pa dyan yapos na yapos ka day.."Tawa ni Gia na kinuha ang backbag nya sa likuran ng bus.

Kasunod nya ay si Justin na may bitbit ding backbag at isang shoulder bag.Dedma lang sya sa panunukso ni Gia.

Ewan ko kung bakit parang nainis ako kasi wala syang reaksyon.Nakakainis.

"Eh sa masarap kaya yakapin si JM."At sabay yakap ko kay JM,na tila nagulat pa.

Hay naku Honey as if naman na tatalab.

"Ayieeeeeee..."Tukso ng dalawang siraulo.

"Aga aga ang daming langgam."Naiiling na bumababa si Gia kasunod ang wakers pa ring si Justin.

Nakakainis.

"Oo nga" at si K-el naman ang pumunta sa likod at kumuha ng gamit.

"Mag-ayos ka na ng sarili mo nasa labas ang parents ata ni Justin."Tumingin pa ito sa bintana.

Hindi ko maiwasang kabahan.Seeing them again??Seriously??It makes me nervous.

Anong ikikilos ko?Anong dapat ko sabihin?Anong sasabihin nila sa'kin?

I miss them pero natatakot akong makita sila. Isa pa.. I don't know what to act because Chris is here Justin's girlfriend and soon to be wife.

Pootek that thought hurts me.

"Are you okay?"

Hindi ko akalaing natulala ako. Napapikit ako at napatingin sa nagsalita.

Nagulat ako to find out Justin is standing beside me.

Napatingin ako sa mga mata nya.Walang reaksyon doon.

Justin doesn't love me anymore.

ouch!!!!

"Ummmm"Tumango lang ako sa kabila ng parang pagpiga ng sampung labandera sa puso ko.

"Good then."At naglakad na papunta sa likod maya-maya lang magkasunod na sila ni K-el na bumaba.

Ni hindi na muli nya ako tinignan at kinausap pa. How I miss my old Justin.

-----------------

"Excuse us huh."Nagulat ako ng hatakin ako ni Tita. Kasalukuyan kaming nasa dinning room ng Mansyon ng Perez.Katatapos lang namin kumain at kasalukuyang nagdedessert.

Kanina mainit na yakap at halik sa pisngi ang salubong nila sa'kin.Sa tagal naming hindi nagkita at matapos ang lahat ng nangyari,I never expected that warm welcome from them.

In timesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon