Honey's POV.
"Sandali lang iinom lang ako ng tubig."Kasalukuyan kaming gumagawa nila Jani ng sand castle.Kanina pa sumikat ang araw pero hindi pa rin ito mainit sa balat.
Pinagpag ko ang dumikit na buhangin sa balat ko.
"Okay."sagot nilang apat.
Tinungo ko na ang cottage kung saan nanduon ang tubig.
Walang tao?
Napalingon ako sa dagat. Nanduon pala sila K-el nagswiswimming. Sila Tita naman at tito magkaholding hands pang naglalakad sa dagat. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti.
Ang sweet naman nila kahit matanda na.
Nakangiti akong nagtungo sa kubo.
Nagulat pa akong makitang natutulog doon si Justin nakatakip ang isang libro sa mukha nito.
Mahilig pa rin syang magbasa ng libro nakakatuwa.
Napatingin ako sa katawan nyang walang ibang saplot kundi ang beach short na suot nya. Napaka coincedent naman at parehas pa kami ng kulay ng pang langoy.
Blue at black.
Napatingin ako sa abs nya.Mas gumanda yata ang katawan nya sa paglipas ng panahon.May mumunting buhok sa ilalim ng pusod nya pababa sa line ng short nya.
Anu nga tawag dun ni K-el dati?
Karug?Karugtong daw ng.....
Pinilig ko ang ulo ko bago pa kung saan humantong ang isip ko.
Kumuha na ako ng baso lumikha naman ng ingay ang plastik nun pati na ang pagsalin ko ng tubig.
Yun naman ang pagkilos ni Justin at umupo.
"Tapos ka na?"Nagkusot pa ito ng mata at tinitigan ako ng seryoso.
"A...a...anong??Ta..tapos na ko?"Tae na nagkanda-utal-utal ako. Paanong hindi??Alam ba nyang tinitignan ko sya.Nakakahiya...
Nangunot ang nuo nito.
"Tapos ka ng uminom ng tubig."Tumingin ito sa plastick cup na hawak ko.
Feeling ko nawala lahat ng kulay ko sa mukha dahil sa pagkapahiya sa sarili ko.
Kitang kita ko ang lalong pagkunot ng noo nito. Ngunit nababanaag ko sa mga mata nya ang tila pagka-aliw sa sitwasyon.
"Oo"Pilit akong ngumiti.
"May gagawin ka pa ba?"Tumayo ito sa pagkaka-upo at unti unting lumapit sa'kin iyon naman ang paghakbang ko pa-atras.
"Ah.."Hindi ako makapagsalita nadidistract ako sa abs nya na mas kitang kita na ngayon dahil nakatayo sya.
"Samahan mo naman ako"Mapang-akit na sabi nito.
Samahan saan?
Napalunok ako.Lalo na ng makita kong humagod sa buong katawan ko ang tingin nya. Kasalukuyan pa naman nakabalandra ang buong katawan ko sa suot ko.
Im Just wearing my bikini top at shorts. Medyo daring pa ang suot kong top.
"Sa...Saan naman?"Ayoko mag-isip ng kung anu-ano pero hindi ko.maiwasan lalo na at sa tingin nya sa'kin.
Teka mali ito...
Biglang akong may naramdamang kirot sa puso ko ng maalala ko si Chris.
"Sa island."Bigla rin naman nagbago ang itsura nito pagkabanggit sa Island.
Bakit hindi?May espesyal na ala-ala roon.
"Ba...Bakit ako?"Sabi ko na lang.
"Nasabi ni papa kanina na gusto mong pumunta doon."Tumalikod ito sa'kin ngunit bahagya ko nakita ang sakit na bumakas sa mukha nya.
BINABASA MO ANG
In times
General FictionSa hinabahaba daw ng prosisyon sa simbahan din daw ang tuloy. Would Honey and Justin make it this Honey and Justin finally make it this time?? Sa dami ba ng pinagdaanan nila dumating na ba ang right time? After Makelove to me or fuck me,and The only...