Disinuebe.

1.8K 42 5
                                    

Honey's POV.

"Isubo mo na 'to."Pilit ni JM sa'kin. Panay lang ang iling ko.

Pilit nya akong pinakakain ng lugaw. Upang maibsan daw kahit konti ang hangover ko.

Kagabi nagpakalasing ako ng todo.

Pangatlong araw ko ng nakabalik sa Maynila. At tatlong araw na din akong umiinom ngunit kagabi ang grabe. Tinawagan pa ng waiter si JM upang ma-iuwi ako.

Umiling ako. At itiniklop ang mga tuhod ko at niyakap. Ipinatong ko ang baba ko sa doon. At iniwas tumingin sa tila naiinis ng si JM.

Tatlong araw na ang nakalipas pero until now nararamdaman ko sakit ng pangyayari sa huling araw namin sa resort.

Ano ba ako?Ganun na lang kababa ang tingin sa'kin ni Justin?Pagkatapos ng may nangyari samin sasabihin nya kalimutan?Oo at hindi na ako birhen para mag-inarte ako ng ganito pero hindi lang naman ang pride ko ang nasaktan. Nasaktan ako bilang tao. Nasaktan ako bilang nagmamahal.

Madami ang nagdaan sa'king lalake pero may dahilan ako at aminado akong nagkamali ako.Nagbago ako mula ng magkaibalikan kami. Simula tanggapin ko ang nangyari sa'kin ng nakaraan. Pinilit ko umahon. Lumayo ako upang matanggap ang lahat ngunit ito ang nakuha ko. Hindi na pala maiialis sa pagkatao ko na minsan akong nagkamali at minsan akong naligaw ng landas.

Ang masakit nyan mismong ang lalakeng naging dahilan pa ng pagnanais kong magbago ang nagparealiza sa'kin ng bagay na yan.

"ano bang nangyari?"Nag-aalala ng sabi ni JM

"Wala" my voice even broke when I said that.

"Sa tagal nating magkasama Honey hindi na ako naniniwala sa'yo."Seryoso na ang sabi ni JM.

"J why you respected me again so much?"Doon lang ako tumingin sa'kanya. Nakita ko ang biglang pag-aalala sa mukha nya.

"Because you deserve to."puno ng pagmamahal sa isang kaibigang sabi ni JM.

"Kahit na alam mo ang naging nakaraan ko?"naramdaman kong nag-init ang mga mata ko.

"Honey"Ikinulong nya sa dalawang palad nya ang mukha ko. At tinitigan ako sa mata."I know you are wonderfull person.You just did that kasi you want to protect yourself from being hurt again...kasi natatakot ka na maulit lahat ng nangyari..Pero kahit ganun naniwala ako that you will wake up someday and you will fight your fear  thats why respect you. I believe in you Honey. "Ngumiti ito."And you never prove me wrong"

Doon unti-unti ng tumulo ang luha ko.Lahat ng sakit na ininom at inaakala kong naiibsan ng alak bigla na lang lumabas.

"Bakit ba kasi. "Biglang may lumatay na pag-aalala sa mukha nya at pinunasan ako ng luha gamit ang dalawang kamay nya.

Hindi ko masabi sa'kanya.Kaya't niyakap ko sya ng mahigpit.At doon tahimik akong umiyak habang sya naman ay hinayaan lamang akong umiyak.

Ilang minuto rin kami sa ganong posisyon ng magsalita sya muli.

"Hindi kita matutulungan kung hindi mo sasabihin.But if you want to deal with alone its okay. Basta we will be here nila K-el if you need help. "Bahagya nya akong itinulak ay hinawakan sa baba."Remember this Honey."Habang pinupunasan nya ang mga luha ko."Everybody deserves to be respected. Ano man ang pinagdaanan nya. Saan man sya galing. Ano man ang ginawa nya sa buhay nya. At ano man ang istado nya sa buhay. We never know what behind their stories ba't sila nagkaganun."Ngumiti sya sa'kin ng maganda. "That's what I learned when you came into my life."

Na-overwhelm ako sa sinabi ni JM alam ko kung ano ang ibig sabihin nya. JM and I start our friendship ng malaman nya ang storya ng buhay ko. And he did regret ang ginawa nya ng unang araw naming magkakilala.

His first impression to me ay isang mababang babae na kahit kanino ay pumapatol.But when he found out what happened to me sa past. Naintindihan at nirespeto nya ako. Binigyan nya ako ng chance na ipakilala ang sarili ko at binigyan nya ng chance ang sarili nya na mas makilala ako.

Naging posible sa'kin ang matanggap ang lahat ng nangyari sa'kin because he helps me.

"Thank you JM" Pinilit kong ngumiti.

"So please Honey cheer up. Okay?"tinap pa nito ang ulo ko."be okay soon. Im willing to wait until pwede mo na ikwento sa'kin ang story behind this 3 days mong paglalasing.Tumayo ito at naglakad papunta sa pinto."kainin mo na yang lugaw mo.And please be okay. Ayoko ng ganito ka." At iniwan na nya akong nakatingin sa isinara nyang pinto.

How can I be okay? MAgiging okay pa ba ako after i-announce sa harap ko na ikakasal na ang lalakeng mahal ko? Ang nag-iisang lalakeng minahal ko? At matapos nyang sabihin sa'kinn na minahal nya ako hindi mahal?At matapos may nangyari samin ay kalimutan na lang?

Napakababa na ng tingin ko sa sarili ko. Dahil kahit ang isa sa mga taong inaasahan kong igagalang ko failed to respect me.

Pagkatapos ng nangyari kalimutan.. Pagkatapos ng nangyari magpapakasal sa iba.Pagkatapos kong nararamdaman ko hindi na pala ako mahal. Ganito pala kasakit pag alam mong nakikihati ka lang. Ganito pala kasakit pag nakita mong hawak na ng iba yung taong mahal na mahal mo?Ganito pala kasakit yung kapalit ng kagustuhan mong umayos munang lahat bago kayo magsama muli tapos ng okay na ang lahat hindi ka na nya mahal.?Ganito pala kasakit.

Lahat na ba ng sakit na pwedeng maramdaman mararamdaman ko?

Naranasan kong mawalan ng kaibigan. Naranasan kong walang maasahan.Naranasan kong maiwan ng taong nakabuntis sa'kin. Naranasan kong kumayod at mabuhay ng para sa anak at nanay ko. Naransan ko g hirap ng buhay sa murang edad. Naranasan kong pagsamantalahan ng mga kalalakihan.Naranasan kong mawalan ng magulang at anak. Naranasan kong mabuhay sa takot.

Marami akong naranasan. Ngayon pa ba ako susuko?Nakaya kong mawala si Justin sa'kin ng 5 taon pero kakayanin ko ba syang mawala sa'kin ng habang buhay.

Kaya ko ba??

Mahigpit kong niyakap ang mga tuhod ko at tahimik na umiyak.

Hindi ako kailangan magpatalo sa pagsubok na ito. Kailangan kong tanggapin ang nangyayari. Yun na lang ang tanging bagay na dapat kong gawin.

I have to accept. I lose this battle. I lose the only man na minahal ko. Tama na.. Kailangan kong magmove on.

Justin...

Paalam...

--------------

A.N

Hala sumuko na ba si Honey??

Paano na ang Justin ang Honey love story??

Meron talagang lovestory na hindi happy ending.. At isa na ba ito sa mga yun??

Ikaw??Kung sayo ito mangyayari??Lalaban ka pa ba?Ipagsisiksikan mo pa ba ang sarili mo sa taong hindi mo kayang mawala sa buhay mo habang buhay??

Hahaha..tsk...tsk..

Kaya nga may kasabihan...

"Wag mong bitiwan ang isang bagay na ayaw mong makitang hawak ng iba.. "

:))

Pasensya na po sa u.d maiksi ata..

:))

VOTE NAMAN JAN.. AND PLEASE COMMENT..

AND ANG PINAKAIMPORTANTE...

KEEP READING..

***icefire20***

--------------

In timesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon