disisyete

1.8K 38 5
                                    

Honey's pov

"Honey?"Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun.

Mabilis akong nagpahid ng luha ng marinig ko ang pamilyar na boses.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa pagkakaupo sa buhanginan. Tumayo ako ng makita ko si Justin sa likuran ko. Bakit sa lahat ng tao sya pa ang makikita ko sa oras na ito?

"Ah..."Lumunok muna ako. Tila pinipilit kong lunukin lahat ng sakit na nararamdaman ko.Pwede ba yun?Pwede bang lunukin.yun tas mawawala?"Kasi Hindi ako makahinga ng maayos kaya nagpahangin muna ako."Pinilit kong ngumiti ngunit nagpumilit talagang lumabas sa mga mata ko ang luha. Hindi ko mapigilan.

"Oh,Ayos ka lang"Hinawakan ako nito sa balikat at tinignan ang mukha ko."May problema ba?"Nag-aalalang tanong nito.

Sa loob ng ilang araw naming pag-iiwasan ngayon na lamang ulit nya ako kinausap ng ganito at hindi ko alam kung mauulit pa ito matapos naming bumalik sa Maynila bukas.

Hindi ko alam kung magkakachance pa ako para makausap sya.

Kaya nagpasya na ako.

"Ako kasi."This will be the last time I should say it now or else baka panghabang buhay na syang mawala sa'kin.

"Huh?"Tila nagguluhan sa sinabi ko.

Pero wala akong choice. Gusto kong malaman nya ang nararamdaman ko.At tatanggapin ko ano man ang magiging desisyon nya.

"Justin, Mahal pa kita.."Tuluyan ng nagtuluan ang mga luha ko."I should not be here.Hindi na dapat ako sumama dito kasi nangyari pa ang lahat ng ito."Pinilit kong pigilan ang paghikbi ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan iyon.

"Honey?"Takang takang tanong nito.

"Sorry Justin kasi iniwan kita noon.Sorry kasi nasasaktan at nagihihirapan ako sa sitwasyon na'to kahit hindi naman na dapat kasi matagal ng walang tayo."Yumuko ako.Hindi ko kayang makita ang reaksyon sa mga mata nito. Hindi ko kayang tanggapin sa sarili ko na hindi na ako ang mahal nya. Na may iba na syang mahal. Hindi ko kayang tanggapin na tuluyan na syang mawawala sa'kin."Alam ko hindi ko na ito dapat sabihin pa pero."Naglakas ako ng loob na tumingin sa'kanya."Pero gusto kitang mabawi.At lahat ng nangyayaring ito masakit lahat sa'kin Justin.I know Im being selfish pero."Tumingin ako sa mata nya. Nasaktan akong makita ang galit na gumuhit doon."Pero kasi Justin ayaw kitang mawala eh."

"Pero iniwan mo na ako noon diba?"Puno ng diin ang bawat salitang binitiwan nya.

"I know and Im sorry.Justin Pero yun ang kailangan natin that time."Kagat kagat ang labi kong tinitigan ko  sya at hinihintay ang reaksyon nya.

"Ikaw ang kailangan ko that time."Puno ng hinanakit na sabi nito.

"Sorry"Muli akong yumuko hindi ko kayang makita nya ako sa ganiting itsura sa ganitong estado. Mahina.

" ayokong maging masama..Ayokong ipagsisikan yung sarili ko sayo pero"Ikinuyom ko ang mga kamao ko at hinampas ang dibdib ko."Pero sabi nito ipagsisikan ko pa rin daw yung sarili ko sayo Justin kasi mahal na mahal kita at ayokong mapunta ka sa iba.Pero Alam kong mali..Alam kong mali."

Parang nakasalalay ang buhay ko sa mga kamay nyang nakahawak sa balikat ko.at sa dahan dahang pagtanggal ni Justin doon tila inaalisan nya ako ng hininga.Tila unti unti nyg pinapatay ang puso ko.

"Why are doing this?"Tila naguguluhang sabi nya.

"Because I don't wanna lose.I don't know anong mangyayari sa buhay ko paghinayaan kong mawala ka ng wala akong ginagawa. Ayokong pagsisihan na hindi ko sinabi sayo,Justin mahal na mahal kita."

In timesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon