Justin's POv.
Humampas agad sa mukha ko ang lamig ng hanging dulot ng dagat.Bagamat nakashades ako,alam kong asul na asul ang tubig doon.
"Saan mo ba kasi nakuha yung sugat na yan?"Narinig kong sabi ni K-el na pababa na rin ng mini bus.
Napatingin ako sa likod ko. Kasalukuyan ng bumababa si Honey. Napadako ang mata ko sa sakong nyang may band aid.
"Wala lang ito."Napatingin sa'kin at namula.
hindi ko alam kung bakit pero parang huminto sa pagtibok ang puso ko ng makita ko syang namumula.
Agad naman syang nagbawi ng tingin sa'kin.
"Hay naku Hija.Hindi naman siguru malalim yan ano?"Si Mama.
Baka namam tahiin pa ni mama yun.. hahaha joke...
"Ah hindi naman po tita gasgas lang po ito."
"lets go swimming.."High energy'ng sabi ng mga bata na kababa lang galing sa bus.
"Okay.. mga tsikiting but first we will eat. okay??'Si Mama.
"Ok..."Nagtatakbo na ang dalawa sa kubong pinaglagyan ng pagkain namin. Ang mga tuhan sa resort ang kumuha nun.
Sumunod na rin kaming maglakad. Nauna na sila Mama kasunod nila sila JM at Honey na nasa harap ko.
"Mukhang masayang masaya ang dalawa."Tawa ni Lex na sumabay sa paglalakad sa'kin.Sabay tingin sa'kin.May kakaiba sa tingin nya sa'kin."Ikaw masaya ka din ba?"Tila nanunudyo na ewan ko kung bakit.
"Huh?"Clueless talagang sabi ko.
"Bumalik sa lugar na'to kasama kami nila Gia,K-el at.."Tumingin sya sa harap. Napatingin din naman ako.
Now I know bakit.
"Honey,Kaso nga lang."Itinuro ng nguso nito si JM."May kasama ng iba eh."Tinapik pa ako sa balikat na agad ko namang tinabig.
"Pwede ba Lex wala ako sa mood ngayon."Naiinis na sabi ko. Ang aga aga nang-aasar ito plus the fact na hindi ako nakatulog kagabi. Paanong hindi??
((flashback))
"Ahhhhhhh"
Nagulat ako ng sumigaw sya.
Kasabay ng pagsigaw nya ay ang tunog ng nagkapirapirasong baso sa sahig.
"Naku..Nabasag."Yuyuko na sya upang damputin ang mga bubog ng pigilan ko sya.
"Honey your hurt."Nasa sakong nya ang mga mata ko. Umaagos ang dugo doon. Marahil at natalasikan ng bubog. Hindi ko alam yung nararamdaman ko. Parang nahihirapan akong huminga habang nakikitang nagdudugo ang sakong nya.
"Huh??"At tinignan ang sakong nya."Naku wala yan galos lang yan."At muling yuyuko upang pulutin ang bubog.
"No..Lika."pinigilan ko sya at hinawakan sa kamay.Para hindi sya makawala.
"Teka Justin baka mabubog pa yung iba."sabi nya pero nagpahila sa'kin.
Kinuha ko ang first aid kit.At bumalik kami sa sala.
"Upo."Pinaupo ko sya sa silya doon.Naupo naman ako sa katabi nun."Taas mo yung paa mo sa hita ko."
"Naku."Namula ang mukha nito. I know what she's thinking pero wala ako balak na samantalahin ang sitwasyon.Wala nga ba akong balak?"Wag na Justin ako ang Nurse kaya ko yan."Ngiti nya.
"Kahit ang Nurse kailangan alagaan."Wow lang saan galing yung salitang yun.
Ako na mismo ang nagpatong ng paa nya sa binti ko.
BINABASA MO ANG
In times
General FictionSa hinabahaba daw ng prosisyon sa simbahan din daw ang tuloy. Would Honey and Justin make it this Honey and Justin finally make it this time?? Sa dami ba ng pinagdaanan nila dumating na ba ang right time? After Makelove to me or fuck me,and The only...