Honey's POv.
Kitang kita ko ng umakyat sya sa tuktok. Nagtago ako sa malaking sanga ng puno upang hindi nya makita.
Bakit ba kasi sa lahat ng pupuntahan nya dito pa?
Luminga linga sya sabay buntong hininga at inihilamos ang kamay sa mukha. Hindi ko alam kung saan sya naiinis sa nangyari ba kagabi?O dahil sinabi nya iyon.
Maya maya lang ay bumaba na agad sya.Kaya naman bumalik muli ako sa pwesto ko.
Dito muna ako sa malaking puno na ito na hindi ko alam kung ano ang tawag mauupo at magpapalipas ng oras.
Sana naman maisipan na kaming sunduin nila Tita.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko maitatago ang mga bagay na nais kong itanpng sabihin at malaman.
Magiging masaya pa ba ako?Mali yata na ipinasya ko pa ang umuwi sa bansang ito. Sana pala itinuloy ko na lang ang pagbabagong buhay doon.
Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.
Ngunit nangako ako sa sarili ko noon. Binigyan ako bg Dyos ng sapat na talino. Hinayaan akong makapasok sa magagandabg eskwelahan. Sinuportahan ako ng gobyerno noon. Kaya alam ko na panahon na upang ibalik ko ang utang na loob ko sa pagtulong ko sa sarili kong bansa.
At isa pa.. Kaya ko bang hindi balikan ang anak ko??At ang nanay ko???Nandito silang dalawa. Narito ang pamilya ko. Ang mga kaibigan ko. Hindi ko sila kayang talikuran kaya naman talagang babalik at babalik ako sa lugar na ito.
Ngunit hindi ko rin naman itinatanggi na isa si Justin sa mga naging rason ko sa pagbabalik ko. Ayaw ko maging plastik. Hindi naman nawala sa isip ko si Justin kahit noong nasa america ako.
Pero ngayon....
Iniisip ko.....
Kung tama ba na bumalik ako rito na sya ang isa sa mga dahilan?
Tama ba na bumalik pa ako dito para lang malaman na may iba ng babaeng nagmamay-ari sa'kanya??
Tama ba na bumalik ako dito para lang malaman na hindi na ako ang mahal nya??
Tama ba na bumalik ako rito upang masaktan lang ng ganun??
Malalim na ang iniisip ko at hindi ko alam kung gaano na katagal walang tigil sa pagpatak ang luha ko ng mamataan kong may paparating.
Isang yate...
Pamilyar sa'kin ang yateng iyon...Sa ninong ni Justin iyon.Nagpunas agad ako ng mata.
At agad agad na bumaba.
Saktong dumaong na ang yate.
Ilang minuto ako naghantay bago bumaba sila tita.
Isang mainit na yakap ang sinalubong sa'kin ni tita.
"Naku Honey ayos ka lang ba?"Nag-aalalang sabi ni Tita ng mailayo ako sa'kanya.
Naroon din si JM.Na tinignan lang ako sa paraang nagtatanong kung ayos lang ba ako.
Isang napapagod na ngiti ang ibinigay ko.
Bumuntong hininga ito tila alam na kung bakit ganun ang isinagot ko sa'kanya.
Bigla naman may gumuhit na sakit sa puso ko ng makita ko si Chris kasunod si Tito.
Hindi pa kami nakakabalik sa isla ngunit sinampal na agad ako ng katotohanan.
"Opo tita Im fine"
"Good."
"Where's Justin?"Malumanay na tanong ni Chris at inikot ang paningin sa paligid.
"Baka nasa pad.Naglakad lakad kasi ako kaya di ko na alam kung nasaan sya."Nasaan nga ba si Justin?
BINABASA MO ANG
In times
Ficción GeneralSa hinabahaba daw ng prosisyon sa simbahan din daw ang tuloy. Would Honey and Justin make it this Honey and Justin finally make it this time?? Sa dami ba ng pinagdaanan nila dumating na ba ang right time? After Makelove to me or fuck me,and The only...