Justin's POv.
Nakauwi na kami sa Maynila. Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon ni Honey na mag-usap muli mula ng huli naming pag-uusap.
Nahinto ako sa paggawa ng trabaho dahil hindi ko maiwasang isipin ang huli naming pag-uusap.
Huling pag-uusap na hanggang ngayong tatlong araw na ang nakalipas ay gumugulo pa rin sa isip ko.
flashback.
Pansamantala muna akong lumabas upang magpahangin muna sana. Kanina I just asked Chris to marry me pero feeling ko hindi ako ganun kasaya when she answered yes.
Hanggang ngayon gumugulo pa rin sa isip ko ang nangyari samin ni Honey sa Isla.
Gusto ko sana sya kausapin ngunit tila umiiwas sya sa'kin at palagi na talaga nyang kasama si JM na lalo kong ikinainis kaya naman iniwasan ko na rin sya.
Hanggang sa makita ko muli ang singsing na binili ko upang gamitin sa proposal ko kay Chris. At lahat ng balak ko sa buhay naging malinaw muli.
Nagstick sa utak ko that I have to stick on my plan kung gusto ko ng tahimik na buhay. And that means Forget about Honey and marry Chris.
Pero ng makita kong hawak ni JM kanina ang kamay nya ng icongratulate kami. Nainis ako at gusto kong hatakin ang kamay nya mula kay JM.
I know. Im fucking jealous to JM. Noon pa man sya ang sobra sobra kong pinagseselosan. Noon bukod sa'kin si JM lang ang nakakalapit sa'kanya ng ganun kaclose. Ngayon si JM na lang ang nakakagawa nun and Im jealous.
Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang paglalakad ng may mataan akong nakaupo malapit sa dalampasigan. Tila may malalim na iniisip. Yakap yakap nito ang tuhod. Habang ang paa ay malayang nadadampian ng tubig dagat.
Ang maiksing buhok nito'y nakatali ngunit ang ibang hibla ay tinatangay. At kahit malayo ako sa'kanya kilalang kilala ko ang taong ito.
Ng makalapit ako sa likuran nya doon ko lamang sya tinawag.
"Honey."Tawag ko sa'kanya.
Kitang kita ko ng hinaplos nya ang mukha nya at sabay lingon sa'kin.
Tila mugtong mugto ang mata nya. Umiyak ba sya?
Tumayo sya at humarap sya sa'kin.
"Bakit nandito ka?"Tanong ko.
"ah...Kasi Hindi ako makahinga ng maayos kaya nagpahangin muna ako."Pinilit nyang ngumiti ngunit tila hindi nakisama sa'kanya ang mga luha sa'kanyang mata.
Nag-alala ako na baka may masakit sa'kanya. Baka may nangyari sa'kanya kaya hindi sya makahinga.
"Oh,Ayos ka lang"Hinawakan ko sya sa balikat upang makasiguradong hindi sya babagsak.Tinignan ko ang mukha nya."May problema ba?"Nag-aalalang na talaga ako.
Tinignan nya lang ako at patuloy pa rin sa paglabas ang luha nya.
Ilang segundo ang lumipas bago sya nakapagsalita muli.
Tila iniisip kung dapat ba nyang sabihin ang sasabihin nya.
"Ako kasi"Ng tila nakapagdesisyon syang sabihin.
"Huh?"
Ano daw?
"Justin, Mahal pa kita..I should not be here.Hindi na dapat ako sumama dito kasi nangyari pa ang lahat ng ito."Kinagat nya ang pangibabang labi nya marahil upang pigilan yung paghikbi nya.
BINABASA MO ANG
In times
General FictionSa hinabahaba daw ng prosisyon sa simbahan din daw ang tuloy. Would Honey and Justin make it this Honey and Justin finally make it this time?? Sa dami ba ng pinagdaanan nila dumating na ba ang right time? After Makelove to me or fuck me,and The only...