MY BESTFRIEND, MY RIVAL <22>

205 21 1
                                    


Candice Leindra's POV

Nandito padin ako sa ambandonadong building. Hays, ano ba gusto nila sakin? Ang gulo na ng buhay ko. If they want money, then ibibigay ko lahat ng gusto nila. Pakawalan lang nila ako dito.

Bumukas ang pinto, tumingala ako at 'yong nagbabantay pala sakin ang pumasok may dala itong meal tray at inilapag ang pagkain sa small table. Lumapit ito sa'kin para itanggal ang pagkatali ng paa ko, para makatayo ako.

"Kumain ka na" aniya

"Lumayas ka na, ayokong kumain" sabi ko

"Tch. Bilis na kailangan mong kumain" aniya

"Thanks for your concern, mister. I don't need your help." Naiirita kong sinabi

"Psh. Kumain ka na diyan" sabi nito sa'kin at umalis.

Sa tingin mo ba makakakain ako ng nakagapos ang kamay? Talino naman nun. Ano? Paa gagamitin ko? Psh.

Agad naman 'tong bumalik, kumuha lang pala siya ng tubig para sakin. Pagkadating niya agad naman niya tinanggal ang pagkagapos ko sa kamay.

Kumain ako. Parang isang taon akong kumain, himalang naubos ko yung nasa meal tray. Di banaman kasi ako pakainin, simula ng napadpad ako dito.

Napaisip ako. Bakit ba napaka bait ng lalaking 'to sakin? Nah. Matanong nga

Concern lang naman haha!!

"Bat ba ang bait mo sakin?" Tanong ko

"Hmm? Di ka kasi bagay makulong dito" sagot niya

Di naman talaga ako bagay kidnappin! Hays. Oo mayaman nga ako, pero sayang ang beauty ko pag namatay ako T ^ T

"I'm Riko by the way" sabi niya then he offer his hand para sa shakehands

"Surname?" Sabi ko at sabay ko namang itinaas ang kilay ko

"Mendez" aniya

And then, I held his hand. Nagshake hand lang naman kami.

"Thanks for offering the meal" sabi ko

"Ah? Wala yon." Aniya

Kinuha niya ang meal tray at tubig. Halatang gutom na gutom ako. Di na kasi 7 times a day ako kung kumain sa isang araw. Kundi 1 time in a week na. Ano na kaya nangyari kanila Audriane? Hinahanap kaya nila ako? Hays sana nga.....

---------

Riko's POV

Hays, lagi nalang ba masama ang tingin
nila sakin dito?" Sabi ko sa sarili ko

Ako si Riko Mendez, 20 years of age. College student na sana ako pero ng dahil sa wala kaming pera. Highschool lang ang natapos ko. Bakit ako nandito? Nagtatrabaho. Ako ang kapalit ng tatay ko dito sa pagtatrabaho niyang taga bantay ng mga taong kinikidnap. Oo, alam kong masama (para sa iba) ang ginawa ko. Eh yun lang ang naisip na paraan ng tatay ko para mabuhay kami ng mga kapatid ko.

Nagulat ako sa una dahil sa ang sikat na si Candice Leindra Yukihama pala ang babantayan ko magdamag. Ang una kong inisip ay bakit parang ang laki ng galit ng boss ni tatay dito sa isang magandang aktres na alam kong nagbabakasyon lang dito? Ang alam ko kasi doon na tumira sa Japan si CL. Tapos, ito lang nauwi sa bakasyon niya. Naawa ako.

Di ko naman din maintindihan sa sarili ko kung bakit ako nagiging mabait sa kaniya? Basta di ko alam. Parang, naguguilt ako sa ginagawa ko sakaniya, yung iba naman lalo siyang pinahihirapan.

Lagi ko siyang dinadalahan ng pagkain. Halos magdadalwang linggo na kasi siyang di kumakain kaya kung ano yung pagkain ko, yun nalang pinapakain ko.

"Oy, napapansin kong lagi mo dinadalan ng pagkain yung babaeng yun ah" ani Jaydee

"Masama ba? Magdadalawang linggo nang di kumakain yung tao" sabi ko

"Sus. Type mo? Di ka magugustuhan non, sikat yon eh" ani Biboy

"Ano! Di kaya!" Paangal kong sabi

"Sus, halos araw-araw nandoon." Ani Jose

"Huwag na nga daw bigyan ng malisya. Magalit pa yan eh" pabiro ni Jaydee

Salamat at tumahimik din sila, sumilip ulit ako sa kwarto ni CL. At agad naman pala itong nakatulog. Pero umalis na ako nung pagkasilip ko. Dumeretso ako sa kwarto namin para makapagpahinga.

______________________________
______________________________

Author's Note:

Ayan!! Bagong update na uliiiiiiit haha :)))) ayan na ah :) Next update ulit kapag naman umabot ng 750 reaaaaads okay? PATIENCE IS A VIRTUE :3

Salamat sa support at pagbabasa :))

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now