MY BESTFRIEND, MY RIVAL <27>

183 19 1
                                    


Candice Leindra's POV

Birthday ko na ngayon :( huling kahilingan ko ang sana maging masaya lahat ng mahal ko sa buhay :'( kung mamamatay man ako ngayon. Mas mabuti pa dahil sawa na ako sa buhay ko, lagi ako ang nasasaktan at ako nalang lagi ang dahilan. Tao naman ako ah? Na may karapatan maging malaya at masaya, pero di ko nakikita yan ngayon kasi nandito ako nakakulong at halos buong buwan na ata ako nandito? Feel ko na nga mabubulok na ako.

Birthday ko ngayon, pero nakakulong ako. Nagiisa dito sa kwarto kung saan ako ikinulong. 18 na ako ngayong araw pero bakit ganito? Ang dapat na masayang party sa isang magandang venue, wala. Ni pagbati sakin, wala. 18 roses? Wala. Lahat wala. Iniisip ko sa sarili ko na mas gusto ko nang mamatay kaysa sa laging ganito ang pagdadaanan ko araw araw.

Nabulabog ang malalim kong pag-iisip ng may kumatok sa pintuan. Agad naman itong binuksan. At si Riko lang naman pala. Pero nagtataka ako, alam kong ala-una palang ng madaling araw, pero bakit nandito siya?

"Bat ka nandito?!" Halos pasigaw na ang tono ng boses ko ng pumasok siya ng mabilis sa kwarto kung saan ako laging nakakulong

"Shh! Huwag kang maingay! Itatakas na kita dito!" Aniya

Huh? Itatakas niya ako dito? Samantala halos lahat ng sulok ng bakuran ng bahay na'to may nakabantay na lalaki na may armas. Tapos nagiisa lang siya? Nasa tama ba ang pagiisip niya?! Pero sa totoo lang, gusto ko na talang umalis dito. Feel ko wala nang kwenta ang buhay ko dahil sa dinadanas ko ngayon.

"Ano ka ba?! Niloloko mo ba ako?! Ang daming nagbabantay dito-

"Tch! Di lang ako nagiisa. Halos lahat ng tropa ko dito, gusto kang palayain. Di ka nararapat dito. Ang dapat sayo ay maging malaya at masaya sa piling ng taong mahal mo at mahal ka. Tama ang mga magulang ko. Dapat di ka nila pinakailaman dahil hindi dapat sila naiingit sayo." Aniya

Nabuhayan ang isip ko, ang sabi ng utak ko 'kailangan kong lumaban' lalaban ako habang sa kaya at sa kakayanin ko. Tama siya, I deserve to be free and happy, di ako nababagay dito. Ako'y dapat di pinaparusahan dahil lamang sa inggit nila.

Pinutol niya ang taling mahigpit na nakabuhol sakin. At ito na. Unti-unti na akong kinakain ng kaba at takot ko. Kabang feeling ko na kada minuto, maaring tamaan ako ng bala at sa takot na di ako makalabas ng buhay dito. Birthday ko ngayon. Pero feel ko real life action movie ang nangyayari sakin. Akala ko acting ang lahat lahat, ayun pala totohanan na.

Putukan ng baril dito, doon kahit saang sulok. Yung iba naman ay kakampi namin, yung iba hindi. Kahit naririnig ko ito halos kada minuto, di ko padin maiwasan na matakot.

Nasa likod ako ni Riko. Halata sa mata nito ang takot pero pinipilit padin niyang lumaban para sakin. Halata sakaniya na pursigido ito sa ginagawa niyang pagtakas sakin dito. Hindi ko din inaakala na hada siyang mamatay para sa ikakaligaya at sa ikakalaya ko.

---------

Drake's POV

Nabalitaan na namin ang lugar kung nasaan dinala nila Maxine si CL. At ito kami, kasama ang tauhan ni Kianna. Dumating kami doon, halos putok ng baril lang ang naririnig namin. Ano na kaya ang nangyari? Oo alam kong napaka aga pa para sumugod kami, pero dapat ganito daw para tulog yung iba. But I think, hindi kami tagumpay. Halos umuulan ng bala sa may tapat. Pasalamat ko ito na sasalo.

Agad namang sinira ng gate ang tauhan nila Kianna. At halos pala ng tauhan ni Maxine ay nasa loob, teka?! May gusto ding sumagip kay CL? Di lang kami? Nagsikalat ang mga tauhan nila Maxine at halos nakapalibot samin lahat. Bumaril ang ibang kasama nito, ang pinagtataka ko, bakit sinasaktan nila ang kasama nila? And then, galing sa kinatatayuan ko. I saw CL, naghahadali silang tumakas papunta sila sa likod ng bahay. Agad ko naman silang sinundan.

Nasa likod na kami ng maabutan kami ni Andrea. Galit itong tumingin kanila CL at sa kasama nito.

"AT SA TINGIN NIYO SAAN KAYO PUPUNTA?!" sigaw ni Andrea sabay tutok ng baril kay CL dahilan kung bakit napaupo si CL sa lapag at hindi tumigil kakaiyak.

Humalaklhak naman ang demonyitang si Andrea at sabay tutok naman sa kasama ni CL. "Ikaw naman! Ha! Riko?! Akala ko makakapagkatiwalaan kita?! ANO ANG GINAGAWA MO SAKIN? ISA KANG TAKSIL!" aniya

Agad naman akong sumipot sabay tutok ng baril kay Andrea. Kita sa mukha niya ang pagkagulat ng dahil siguro ay nandito ako. Pati si Riko at CL ay bahagyang nagulat din

"HOLD ON, DK!" sigaw ng isang pamilyar na boses sa likuran ko.

Naramdaman ko nalamang ang pagtutok ng baril sa ulo ko kaya di na ako makagalaw ng maayos. At bahagya, alam kong si Maxine ang nasa likuran ko. Naguguluhan na ako sa nangyayari. Di ko alam ang gagawain ko para mailigtas si CL. Ayokong mawala siya sakin. Di ako papayag

------------

Third Person's POV

At ayon nga, tinutok ni Maxine kay DK ang hawak nitong baril. Hindi na umimik si DK para di paputukin ni Maxine ang baril na nakatutok sakaniya.

"MAXINE HUWAG MONG IDAMAY SI DK!" Sigaw ni CL habang umiiyak.

"IKAW KASI! PWEDE NAMAN ANG IBANG TAO NALANG! BAKIT SI DK PA?! HUH? BAKIT?! SHT" sigaw ni Maxine sakaniya

"Please. Huwag si DK, Maxine. Ako nalang. Ako nalang" nagmamakaawa na si CL dahil sa ayaw ni CL na madamay dito sa gulo si DK.

Sumabog ang malakas na tawa ni Maxine habang pinaglalaruan ang baril niya. Di mo malalaman na kada minuto pwede na niyang paputukin ang baril niya. Halos umiyak na ito sa kakatawa. Ngunit bigla itong nagseryoso.

Agad niyang itinutok ang baril kay CL at....

*bang*

__________________________
__________________________

A/N: waaaah!! Ano kaya mangyayari no?! HAAAHAHA MUNTAE AKO 😂 CHAR lang mga beshie. Hahaha. Kung akala niyo dito na magtatapos ang kwentong My Bestfriend, My RIVAL. Mali po kayo hehez. Bale mukha lang magtatapos dahil may action chuchu. Pero di pa talaga diyan nagtatapos iyan. Madami pa akong balak mangyari. :) enjoy reading guys :)

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now