MY BESTFRIEND, MY RIVAL <37>

171 14 0
                                    


Synnika Maureen's POV

Nagising nalang ako bigla, nandito ako sa ospital. Wala akong maalala sa nangyari, basta ang alam ko. Hinahabol ko si DK papuntang airport. Biglang tinapik ni Audriane ang balikat ko.

"You okay?"

"I'm fine. Really"

Tumayo siya at kumuha ng isang basong tubig at inabot ito sakin. Pagkatapos kong uminom, agad ko naman itong binigay kay Audriane

"Anong nangyari kanina?"

"Sinubukan ko siyang habulin, pero..."

"Ituloy mo ate."

"Hindi ko na siya hinabol"

Dito na ulit tumulo ang mga luha ko. Parang akong sawi na ewan, mukha akong namatayan. Basta, nadadala nalang ako ng emosyon ko. Bigla namang pumasok si Jiendra sa pinto. Si Audriane naman ay lumabas.

"Nika"

Tumingin lang ako sakaniya tapos bigla akong yumuko, parang bahagya akong kinakain ng kahihiyan ko. Muli, nagiipon nanaman ang mga mata ko ng luha.

"J-Jiendra, sorry" sabi ko

Umiyak na din siya, "Nika, sorry din" aniya at nagyakapan kaming dalawa

"Ang drama" aniya at natawa.

"Hahaha oo nga eh" sabi ko

"Ano? Bestfriends?" Aniya

"Hahaha! Ano gusto mo? Friends?" Pabiro ko at sabay punas ng luha

"Pasaway ka! Ano ngapala ang nangyari sainyo? Ni DK?"

"Ano bayan! Gusto mo bang umiyak ako?"

"Tss. Nagtatanong lang diba?"

"Ayokong pagusapan yan"

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kennji.

"Oh, nandito na pala boyfie mo eh" sabi ko

Nagblush si ate, BWAHAHAHA

"Oy! Tumigil ka nga!" Ani Jiendra

"Ayos na kayo?" Ani Kennji

"Ay hindi ba halata?" Biro ko

"Sus. Ako na ngalang tutulong sayo, nakuha mo pa akong ganyanin"

Siniko siya ni Jiendra, "Oy! Ano kaba! Ganyan talaga yan! May salpok sa ulo yan eh" aniya

"Gaga! Ikaw nga malakas ang tama diyan sa ulo eh" sabi ko

Nagtawanan kaming lahat, nakakamiss din pala yung ganito.

"Ngapala, okay na yung bill mo dito Nika, pwede ka nang makauwi. Yung kapatid mo naman may pinuntahan" Ani Kennji

"Hatid nalang natin yan" ani Jiendra

"Huwag na. May pupuntahan pa ako" sabi ko

"May pupuntahan ka? Eh samantalang nakapanjama ka pa, hilo ka talaga" ani Jiendra

"Tangek. Lapit ng unit ko dito eh. Edi doon niyoko ihatid sa unit!" Sabi ko

"Oh, diba magpapahatid ka din" pabiro ni Jiendra

"May sira ka talaga sa tuktok" sabi ko

"Tara na nga" aya niya

Nang makarating ako sa unit. Agad namang nagpaalam ang dalawang mauuna na sila, ako naman ay naiwan sa condo unit para makapagbihis.

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now