MY BESTFRIEND, MY RIVAL <33>

175 18 0
                                    


(Jiendra Marishall's POV)

[Synnika Maureen's POV)

______________________________

A/N: pinalitan ko na po ulit yung name ni Candice Leindra. Synnika Maureen na po ulit ang tawag sakaniya, bad ages lang po ni Synnika Maureen si Candice Leindra. :)

______________________________

[Umalis ako sa kinaroroonan ng party sa loob ng bahay, umakyat ako para makahanap ng kwarto kung saan ako lang ang mag-isa doon. Di na kasi kayang pigilin ng mga mata ko ang mga namumuong luha sa mata ko.]

(After having my short conversation with Synnika. Agad naman akong lumayo sakaniya. Lumapit ako sa pwesto ni Kennji, then tinignan ko ang paligid, agad namang nakita ng sarili kong mga mata na umaakyat si Synnika sa pangalawang palapag ng bahay nila. Gusto ko man siyang puntahan, pero di ko kaya)

[Pagkatapos din ng ilang minuto, nakakita na ako ng kwartong pwede kong iyakan. Tamang-tama, may maliit na kama. "Buti may unan, pwede kong ipangtabon ito sa mukha ko" sabi ko sa sarili at namalayan kong bigla nalang tumulo ang luha ko.]

("Kung gusto mo diyang puntahan, puntahan mo na, di masama ang makipagbati sa bestfriend mo, alam kong di ka rin niya matitiis" sabi ni Kennji Tyrren.

Naipaling ko ang paningin ko sakaniya, nakatingin siya sakin. Oo alam kong di naman talaga ako matitiis ng bestfriend ko, pero ano ngaba ang sasabihin ko? Parang nagdadalawang isip ako. Parang ayokong gawin pero gusto, wala naguguluhan ako)

[Patuloy lang ang hagulhol ko sa kwarto, para mailabas ko ang sakit na nadarama. Di ko talagang kayang tiisin ang bestfriend ko. Nasasaktan ako lalo tuwing nilalayuan niya ako or pagnilalayuan ko siya, mabigat sa pakiramdam. Nasasaktan ako lalo. Ang sakit-sakit. Biglang may kumatok sa pinto]

(Nakatahimik naman kami sa pwesto namin ni Kennji Tyrren. Siya naman ay umiinom ng wine at nakikipagkwentuhan sa iba pang bisita nila Synnika. Ako naman ay nakaupo lamang at lutang, maya maya, lumapit sa table namin si DK. Parang may hinahanap siya. "Jiendra, do you see CL?" Tanong niya.

"I see her upstairs" tipid kong sagot.

Agad naman itong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay)

[Nang narinig kong may kumatok sa may pinto, agad ko namang pinunasan ang mga luha ko, inayos ko ang sarili ko at binuksan ko ang pinto. Pag bukas ko biglang tumambad ang mukha ni DK.

"Are you crying?" Direktang tanong nito sa'kin

"H-huh? H-hindi ah!" Nauutal kong sabi

Tinitigan niya ang mga mata kong nakatitig sakaniya.

"You're lying" aniya

"H-huh?" Nagtataka ako sa inaasal niya

"Stop pretending, Candice. Alam ko ang nangyari kanina, I know you're crying. Halata sa mata mo, and besides. Gusto mo nang makipagbati hindi ba? Go ahead. Hindi masama ang gagawain mo" aniya

Pumatak ulit ang mga naiipong luha sa mata ko. "Paano naman ako makikipagbati?" Sabi ko habang humahagulgol, "Eh, halos parang iniiwasan niya ako, tapos di ko alam ang sasabihin ko sakaniya, DK." Sabi ko, humahagulgol padin ako sa pagiyak.

"Walang magagawa ang pag-iyak, Synnika Maureen" aniya

Nagulat ako sa narinig ko, he call me by my real name

"Bakit di na Candice Leindra ang tawag mo sakin?" Tanong ko, nakangiti ako pero patuloy padin ang pagtulo ng luha ko

"I can feel you, Synnika. You're no more Candice Leindra." Aniya

Sa totoo lang. Nakakasawa din pala ang mamuhay na laging may galit kang nararamdaman. He already know me, kahit sa kasulok-sulukan ng pagkatao ko, alam na alam na niya talaga.]

____________________________

A/N: Hanggang doon nalang po muna 😁 thanks for reading and for voting. Nakakatuwa, almost 3K na po tayo ☺ salamat sa pagsubaybay 😘

Last update 😊

~Elalaaaaaa 💚😃

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now