MY BESTFRIEND, MY RIVAL <35>

157 17 0
                                    


Third Person's POV

"Iho, sure ka na bang aalis ka na sa Pinas?" Tanong ni Tita Carmelita kay DK na nakaempake na ang mga gamit. Kulang nalang ay ang umalis siya

Tumango si DK. "Opo, aalis na po ako. Di ko po maipapangako na makakabalik pa po ako dito." Sabi nito

Tinapik ni Tito John ang balikat ni DK. "Salamat DK sa pagtulong mo. Lalo na sa panganay kong anak." Sabi nito

"Don't mention it, Tito. Osige na po, aalis na po ako bago pa magising si Synnika" ani DK

Agad namang umalis si DK sa mansyon. Nasa tapat palang ito ng bahay at naghihintay ng taxi na pwedeng sakyan.

Nakakuha na ito ng taxi,

"Manong sa airport po" ani DK sabay pasok sa taxi.

"DK! TEKAAAAA!" may babaeng sumigaw.

Napatingin si DK sa side mirror ng taxi, agad naman itong nagulat dahil si Synnika ang humahabol sakaniya.

"Manong, bilisan po natin" ani DK

"Ah sige" sabi ng driver

"Sorry, Nika. Pero kailangan ko nang lumayo." Sabi nito sa isip habang lumalayo na ang taxing sinasakyan nito sa bahay ng mga Mendoza

_________

Synnika Maureen's POV

Nagising ako ng tama lang sa oras. Di ko namalayan na nakatulog pala ako sa kwarto kung saan ako naabutan ni DK na umiiyak. Speaking of? Nasaan yun?

Di akong mapakaling binuksan ang mga kwarto nagbabakasakaling makita siya. Pero nabigo ako, malungkot akong bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay namin, at nabuhayan ako dahil nakita ko siya. Bumibilis ang pintig ng puso ko.

Bumababa ako ng mabilis pero, may narinig ako tungkol sakin kaya na tigilan ako. Nadoon din ang mga magulang ko.

"Iho, sure ka na bang aalis ka na sa Pinas?" Tanong ni Mom

"Opo, aalis na po ako. Di ko po maipapangako na makakabalik pa po ako dito." Sagot ni DK

"Salamat DK sa pagtulong mo. Lalo na sa panganay kong anak." Sabi ni Dad

"Don't mention it, Tito. Osige na po, aalis na po ako bago pa magising si Synnika" ani DK

Huh? Saan siya pupunta? :'(

Nang marinig ko ito, parang dinudurog unti-unti ang puso ko. Di ko rin namamalayang umiiyak na ako.

*blag*

"Habulin mo siya ate" sabi ni Audrianne

"Kanina ka pa nandiyan?" Tanong ko

"Di na importante yan, habulin mo siya ate. Alam kong gusto mo siyang habulin" aniya

Agad naman akong humarurot palabas ng bahay, paglabas ko. Agad kong nakita ang taxing sinakyan niya sa may kanto. Kaya sinigawan ko ito.

"DK! TEKAAAAA!" Sigaw ko habang tumatakbo ako papalapit sa taxing sinakyan niya.

Agad namang humarurot sa bilis. Habang lumalayo ito, parang akong unti-unting nawawalan ng pag-asa. Kusa nang tumulo ang mga luha ko habang umuulan ng malaksas. Kasabay ng mga patak ng ulan ay ang pagpatak ng aking luha. Kung kanina ay mabilis ang pintig ng puso ko ng dahil ay nariyan siya. Ngayon, parang unti-unting  pinipiga.

"B-bakit?" Ayan ang huling sumbat ko at biglang nangitim ang paningin ko.

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now