MY BESTFRIEND, MY RIVAL <56>

123 15 0
                                    

Author's NOTE:

Salamat po sa lahat ng bumoto at sumabaybay, even po sa Silent Readers ko. Kagaya po ng sabi ko sa Authors note bago ang chapter na'to. Idedeclare ko na po yung isa kong parallel story, ang title po ay Under The Rain, story po ni Dristan at Tasha.

sana supportahan niyo. gaya dito. enjoy reading this chapter guys 😊 muwaps :*

_______

Candice Leindra's POV

"Parang napuntahan ko na 'to ah?" Sabi ko kay Lairra ng nasa harap kami ng gate ng Saint Claire Academy

"Weh? Hm, siguro na puntahan mo na 'to" aniya

"Siguro nga" sabi ko

Napapalalim tuloy ang pag iisip ko kung napuntahan ko na nga ba ang Saint Claire dati?

"Ikaw po ba si Ms. Delos Santos" tanong ng lumapit ang guard samin

Tumango si Lairra, "Opo ako nga po" aniya

"Ah sige po. Pinapapunta ka na po sa Student Council Office"

Ng pumasok kasi sa SCA, nagtataka ako ng hindi ako sinumbatan ng isa pang guard dahil siguro kasama ako ni Lairra.

"Napaka laki ng campus ng SCA no?" ani Lairra

"Oo nga eh." sabi ko

"Pero ang gulo ngalang ng ibang section" aniya

Paanong hindi masasabi yun ni Lairra eh, mag eeight o' clock na ng umaga halos lahat ng enstudyante nasa labas padin ng classroom nila.

"8 o' clock pa ang simula ng klase nila dito" sabi ng guard

"Talaga po? Ang tagal din pala" ani Lairra

"Nandito na tayo sa Student Council Office" sabi ng guard

"Ikaw ba si Ms. Delos Santos?"

Napalingon kami sa likuran namin, miyembro ata siya ng Student Council dahil halata din sa badge sa may left colar niya

"Synnika?" utal ng babae

"Synnika? Teka naririnig ko 'to paminsan, di ko lang maalala kung kailan" sabi ko sa sarili ko

"Ako po si Lairra Delos Santos" ani Lairra

Tumango siya, "Tara, kailangan ka na ng Student Council Pres. ng SCA." aniya at pinaling ang paningin sakin, "Pati ikaw, pumasok ka din" aniya

Nauna siyang pumasok samin ni Lairra, parang namumukhaan ko siya pero di ko lang talaga maalala.

"Nandito na sila, pero magugulat ka kung sino ang kasama"

---

Third Person's POV

Nagulat si Tasha ng pumasok si Lairra na kasama si CL. Lumapit sakaniya si Aiyko.

"Sa una din nagulat ako. Pero I think may nangyari sakaniya" bulong ni Aiyko kay Tasha.

Wala namang emosyon si Tasha. Feel niya na may parang may mali.

Kadalasan kasi na tuwing na papasok sa Council Office si CL, babatiin niya ng napakasayang ngiti, at paminsan nga tinitinisan niya ang boses niya. Kahit stress na stress na sa school.

After ng ilang minutes ng pag usapan ang rules ng school. Gustong kausapin ni Tasha si Lairra about kay CL. Nagdadalawang isip siya nung una pero dahil nga sa kagustuhan niyang alamin, kinapalan na niya ang mukha niya.

"Uhm, Lairra? Pwede tayong mag usap sa labas? Just the both of us?" ani Tasha

"Sure." aniya ipinaling ang paningin kay CL at sabi "Uusap lang kami ah? Dito ka lang" aniya.

Sabay lumabas ng Office si Tasha at Lairra, naiwan sa loob si Aiyko at CL.

Tumingin si CL sa paligin, sabi niya sa sarili, parang alam niya ang lugar na ito.

"Student Council Meeting Place?" pabulong niya

Narinig ito ni Aiyko, parang nagulat siya dahil sa pagaakala niyang kakausapin siya ni CL pag lumabas sila Lairra, pero nagkamali ata siya ng akala.

"Kilala mo ako?" deretsong tanong ni Aiyko kay CL dahilan sa pagkabigla nito.

Naguguluhan si CL. Di niya masabi na namumukha dahil sa takot nitong magkamali.

"Uulitin ko, kilala mo ako?" ani Aiyko

Nanginginig ang labi ni CL, di niya alam ang sasagutin. Pilit niyang iniisip kung sino ang babaeng nasa harap niya...

"Hindi kita matandaan, sino ka?" ani CL

---

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now