MY BESTFRIEND, MY RIVAL <60>

108 16 0
                                    


Candice Leindra's POV

"Thanks for telling all of this, Lairra." sabi ko kay Lairra pagkatapos niyang sabihin lahat lahat sa akin, buti nalang talaga siya ang nakakuha sakin

"Wala iyon, basta makatulong" aniya

Pero kahit sinabi sakin ni Lairra ang lahat,
konti palang ang naaalala ko, sana maalala ko na lahat lahat...

"Sige magaayos na ako para school ngayon, ikaw din mag ready ka na." aniya saka lumabas ng kwarto ko

I just face the mirror hanging in my room, at doon ko narealize na, unti-unti ko nang nagagain ang memories ko.

I'm Synnika Maureen Mendoza, also known as Candice Leindra Yukihama, 18 years of age. September 23 is my birthday, I live in Makati, Philippines. I have my sibling named, Shinnie Audrianne Mendoza now she's turning fifteen in this coming November 29. And......

Napatigil ako sa pag iisip ng may pumasok sa isip ko,

Sino yung lalakeng nasa panaginip ko ng isang araw?

Nabubulabog na din ako nung panaginip kong iyon, kahit halos mag iisang linggo nang nakaraan na ang panaginip kong iyon, di ko padin makilala kung sino iyon

*tok tok*

Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko, siguro ay si Lairra iyon kaya kinuha ko na ang gamit ko at saka lumabas sa kwarto ko

Pag kalabas ko, sakto naman na siya nga iyon.

"Ano? Handa ka na?" tanong niya sakin

Tumango ako bilang sagot, saka kami naglakad papunta ng Academy.

-----

Shinnie Audriane's POV

Malinaw sakin ang mga nangyari kagabi, buti nalang sinundan ako nila Tasha sa building, kung wala sila edi wala na din ako mundong ibabaw na 'to. Maswerte ako na naging kaibigan ko sila.

Di ko namalayan na nandito pala ako sa school clinic, napatingin ako sa gilid, sa may bandang bintana. Nakatayo doon si Aiyko, pinagmamasdan niya ang mga dahon na nalalagas sa puno ng narra na nakatanim malapit sa school garden. Napatingin siya sa gawi ko, siguro ay naramdaman niya na nakatingin ako sakaniya, agad naman niya akong nilapitan.

"Kanina ka pa ba gising?" aniya

"Hindi naman, bakit nga pala ako nandito? Ang alam ko nasa bahay pa ako."

"Tanga, nagpumilit ka ngang pumasok eh, ayaw nga ni Tito John na papasukin ka dahil sa nangyari kagabi, at dahil nga sa nagpumilit ka edi wala na silang magawa. Tapos ng pagpasok mo, ayun nahimatay ka, buti nalang nakita kaagad kita."

Ah ayun pala ang nangyari kanina...

"Ngapala, Shinn. Nakita na namin si Synnika."

Nagulat ako dahil sa sinabi ni Aiyko

"So ibig sabihin?"

"Yep, nakita na namin siya."

"Asan si ate? Maayos lang ba ang lagay niya? Ano?"

Nagulat ako sa expression ng mukha ni Aiyko, nakatingin siya sa may pinto ng clinic na para bang nakakita ng multo, kaya pati ako sa napatingin din sa tinitignan niya. Nagulat ako ng si Ate ang nasa pinto.

Tinignan ko siya mula ulo hangga't paa, oo siya nga, di ako magkakamali, ang sariling aura nito at ang itsura niya....

"A-ate?" nauutal kong sabi

"Nandito na ako... Audie" aniya at ngumiti siya sakin..

Nakaramdam nalang ako ng saya, at di ko namalayan na napaluha nalang ako sa nangyari ngayon, salamat dahil sa nakita na ang ate ko.

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now