MY BESTFRIEND MY RIVAL <34>

182 17 0
                                    


Aiyko's POV

Nandito ako sa tapat ng bahay ng mga Mendoza, ang alam ko kasi may pa-welcome party sila para kay Synnika Maureen

Bakit ako nagagalit sakaniya? Tss, paano naman kasi yung negosyo ng pamilya ko ay bumagsak dahil sa mga Mendoza! Nalulugi na kami actually, then nabalitaan ni Dad na kaklase ko ang panganay na anak ni John Mendoza, ayun doon na nagsimula.

Ayoko kasi ang maging mahirap kami! Ayoko kadiri kaya :P

Kinuha ko ang phone at tinawagan ang isa kong tauhan.

*in call*

"Ayos na ba ang plano?"

("Ma'am, maayos na po. Saglit nalang po")

"Osige. Tawagan mo ako pag okay na"

("Sige po")

*end call*

"Kung ngayon, nageenjoy ka pa sa muling pagkabuhay mo, pwes. Bukas, humanda ka na, pagsisisihan mo kung bakit ka pa nagising" sabi ko sa isip ko, at umalis na sa tapat ng mansion ng mga Mendoza.

___________

Shinnie Audriane's POV

"What?! Babalik ka na sa Japan?" Halos pasigaw ko itong tinanong kay DK

Tumango ito, "Babalik ako doon just to start again" aniya

"Paano si ate? Bigla mo nalang ba siya iiwan?" Tanong ko sakaniya

"H-hindi ko alam" nauutal nitong tugon

Agad naman itong umalis sa harapan ko. Nagaalala ako para sa ate ko, she seem normal naman everytime na nandiyan si Kennji Tyrren but pag si DK na ang kaharap niya, parang di siya mapakali. Ewan ko.

Naglakad-lakad ako sa labas ng bahay, di naman yung labas na mismo nandoon lang ako sa may garden ng bahay. Nakaupo ako sa may bench ng garden, nagmumuni-muni ako. Maya-maya may naririnig akong boses.

"Bakit hindi mo ako maalala" sabi ng isang babae halos mangiyak-ngiyak ang boses nito

Tumayo ako sa inuupuan kong bench para puntahan ang ingay na iyon. Di pa ako nakakalapit, nakita ko si Kennji Tyrren at si Nicoletthe.

Nakatingin sa malayo si Kennji Tyrren kay Nicoletthe habang si Nicoletthe naman ay patuloy na umiiyak

"Akala ko ba tutuparin mo ang pangako mo? Ha?! Anong nangyari?!" Sigaw ni Nicoletthe kay Kennji

"Teka! Sino ka ba?" Inis na tanong ni Kenjji Tyrren

"Pagsinabi ko na ba ang pangalan ko, matatandaan mo na ba ako?" Ani Nicollethe

Naipaling ni Kennji Tyrren ang paningin niya kay Nicollethe na umiiyak.

"Pwes. Sasabihin ko na ang pangalan ko." Ani Nicollethe

Nakatingin padin si Kennji kay Nicollethe, parang bahagyang inoobserbahan ito ng mabuti

"Ako si Arriane Nicollethe Alvarez" Ani Nicollethe

Pagkasabi nito, bahagyang parang nagulat si Kennji sa narinig niya.

"I-ikaw?" Naguguluhang tanong nito

Dahil sa mga narinig ko, ano ngaba ang nangyayari? Naguguluhan na ako ng husto.

Dahil sa gusto kong umikot sa garden, sa pagkayuko ko, natumba ako kaya nakagawa ako ng ingay. Narinig ko si Nicollethe na titignan kung ano iyon.

*foot steps*

"Shinn?" Bahagyang tanong nito sakin nung nakita akong nakasalampak sa lapag

"N-Nicollethe?" Tugon ko rito

Nanliit ang mga mata niya, "Kanina ka pa ba nandito?" Tanong niya sakin

"H-huh? H-hindi no!" Pautal utal kong saad

"Kung narinig mo yung usapan namin, please. Huwag mong sabihin kahit kanino, nagmamakaawa ako" ani Kennji

Tumango nalamang ako at tumayo. Sabay paalam sakanila at umalis sa garden.

Akala ko ba mahal ni Kenn si JM? Pero sino ba talaga si Nicollethe para kay Kennji?

___________

Nicollethe's POV

Dahil sa hindi akong mapakaling hindi makausap si Kennji Tyrren ngayong Welcome back party ni Synnika, sinundan ko ito sa may garden.

Naglalakad siya, siguro ay bahagyang naiinip ito dahil sa sobrang tagal ni Jiendra

Huminto ito sa paglalakad. "Bakit mo ako sinusundan?" Tanong niya

Tumalikod ako, para tignan kung ako ba ang kausap niya o hindi. Pagkatalikod ko, wala naman pang ibang tao kundi kaming dalawa lang.

"A-ako ba?" Tanong ko

Humarap ito sakin, "Sino pa ba?" Pilosopong sagot nito

"P-pasensya na" usal ko, napayuko ako sa sobrang kahihiyan, nagmumukha akong stalker

"Ano ba kasi ang kailangan mo?"

"Bakit hindi mo ako maalala?"

Tumingin siya sa malayo para iwasan ang tingin ko sakaniya. Lalo lang ako naiinis sakaniya! Bakit ba kasi ganito siya!

"Akala ko ba tutuparin mo ang pangako mo? Ha?! Anong nangyari?!" Pasigaw kong tanong dito

"TEKA?! SINO KA BA?" naiiritang tanong sakin

"Pagsinabi ko na ba ang pangalan ko, matatandaan mo na ba ako?" Sabi ko habang tumutulo na ang luhang naiipon sa aking mga mata

Ipinaling ni Kennji ang paningin sakin, lalo akong naiiyak sa ginagawa niya sakin. Kaya kadalasan, naiisip ko kung ano ang mangyayari pagsinabi ko sakaniya ang pangalan ko, baka hindi pa rin niya ako maalala. Pero walang masama kung susubukan ko diba?

"Ako si Arriane Nicollethe Alvarez" sabi ko

Nagulat siya sa narinig niya, bahagya parang naalala na niya ako, pero patuloy padin ang agos ng mga luha ko.

"I-ikaw?" Nauutal niyang sabi sakin

Napangiti ako, kasi ramdam kong naalala na niya ako. Pero nabulabog kami ng may parang bumagsak.

"Teka titignan ko lang iyon" sabi ko kay Kennji

Naglakad ako malapit sa pinagmulan ng ingay. Nang makalapit ako, nandoon si Shinn na nakasalampak sa may semento.

"Shinn?"

"N-Nicollethe?"

Nanliit ang mga mata kong nakatingin sakaniya. "Kanina ka pa ba nandito?"

"H-huh? H-hindi no!"

"Kung narinig mo yung usapan namin, please. Huwag mong sabihin kahit kanino, nagmamakaawa ako" ani Kennji

Tumango nalang si Shinn at tumayo saka umalis. Ako naman ay natutuwa na kinakabahan ewan ko.

"Nicolletheeeee!" Sigaw ng isang babaeng papalapit samin, ayon pala, si Kianna lang pala

"B-bakit?"

"Oh? Bakit ganyan ka? Nakakita ka ba ng multo?"

"H-huh? H-hindi!"

"Tara na!"

Lumingon ako sa likuran ko, even aa gilid ko. Wala na pala si Kennji dito. Ayon kasama na pala ni Jiendra

"You'll be mine soon" sabi ko sa isip

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now