MY BESTFRIEND, MY RIVAL <26>

171 20 0
                                    


Nicollethe's POV

Nandito ako sa coffee shop mag-isa, malapit ito sa condo unit namin ni Kianna.

I'm Arriane Nicollethe Alvarez, pangalawa ako sa tatlong kapatid. I'm known as Nicollethe Alvarez lang, walang Arriane sa pangalan ko sa paningin ng magulang ko, bakit? Dahil daw sakin namatay daw ang panganay kong kapatid na si Arryane. Ewan ko sakanila.

Dito sa may coffee shop, frappe at cakes padin ang order ko, as usuall ganito talaga ang meryenda or snacks ko. Pero nung tumingin ako sa may pintuan ng cafe, nakita ko ang childhood friend ko, at saka siya din ang first love ko? And he also said that he felt the same. But today? I don't think kung kilala pa ba niya ako or no? Pero basta ang alam ko namumukaan ko siya.

Umupo sila sa may tapat ng table na inuupuan ko, kasama niya ata ang sikat na model na si Jiendra bayun? Basta sikat siya. Although dahil sa di ko mapigilan ang sarili ko, nilapitan ko siya.

"Hi! Ikaw si Kennji Tyrren diba?" Sabi ko sabay turo sakaniya.

Halata sa mukha niya ang pagtataka, ouch! Di na niya ako matandaan :'( ganoon na ba ako kapangit para di niya matandaan ang mukha ko?

Tumango siya, "Oo ako nga" tipid niyang sagot. Nagulat ang babae niyang kasama. Umamin kasi siya sakin na siya nga, pero di padin maalis ang ngiti ko dahil hindi na ako nagkamali! Siya ang nasa harap ko, siya :)

Dahil sa matagal na akong nagkikimkim ng sariling nadarama para sakaniya, di ko padin matiis ang pagyakap ko sakaniya. Pero si Kennji na mismo ang tumulak sakin dahilan sa pagkalas ko sa yakap ko sakaniya. Kuyom na ang mga kamay ni'to at halatang nagalit sa ginawa ko.

"ANO BA ANG GINAGAWA MO?! AT SINO KA BA?!" Pasigaw niyang tanong sakin.

Nagulat lahat ng tao sa loob ng cafè, ako naman na-gguilty na ewan. Although kinain na din ako ng takot at kaba, napahiya niya ako. Sa marami pang tao.

Ramdam ko ang pagkain sa'kin ng kaba at kahihiyan. Nakayuko ako sa tapat ng table nila. Di ko aakalain na kaya niyang sigawan ang babaeng tulad ko. Namumuo ang luha ko sa nangyayari. Nanginginig na din ang katawan ko sa takot. Pero kung sasabihin ko sakaniya, malay ko? Malay na'ting lahat, baka maalala niya ako.

Ngumiti ako, "H-hindi mo ako na-a-aalala?" Nauutal kong tanong sakaniya habang nakayuko ako sa harap nila.

"Psh, sino ka ba?" Ulit niyang tanong sakin

Okay lang kung sa una lang niya sasabihin. Pero sa tuwing inuulit niya ang tanong sakin na 'sino daw ako' nasasaktan ako ng todo. Humahapdi at parang winawasak na ang puso ko.

"A-ako s-si...." nauutal kong sinabi sakaniya, kinakabahan ako sa susunod na pangyayari. Okaya kung ano ang sasabihin niya sakin.

*kring kring*

Biglang tumunog ang phone niya, agad naman niya itong sinagot kaya nawalan na ako ng chansa para sabihin kung sino ako. Nung pagtapos niyang kausapin ang kausap niya sa telepono, agad naman siyang tumayo. Kasama padin niya si Jiendra. Tumingin siya sakin at nagsalita.

"Alam mo miss, di kita natatandaan o kaya namumukaan, kaya please lang. You're nobody, di kita kilala kaya stranger ka para sakin. Di rin tama ang asal mo kanina sakin, yung bigla mo akong niyakap, the worst is nandito sa harap ko ang girlfriend ko. Kaya please know your limits and you should know kung sino si Jiendra Marishall Yu sa buhay ko." Aniya sabay hablot sa kamay ni Jiendra at umalis na sila, habang ako. Nakatunganga at nagmumukhang tangenga sa nangyari.

Arrrg!! I lose a chance to talk or to chat with him. What's my next plan? Hahayaan nalang ba? Psh, no, no, no! Bilang Nicollethe Alvarez, dapat lahat ng gusto ko nasakin. Hindi ko dapat ibinibigay sa iba!

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now