MY BESTFRIEND, MY RIVAL <31>

200 23 0
                                    


Candice Leindra's POV

May naririnig akong bulungan sa paligid. Di ko nalang papansinin dahil, grabe antok na antok pa ako. Pinipilit kong isarado ang mga mata ko, pero dahil sa sobrang ingay, gusto ko silang patahimikin dahil sa alam naman nilang may pasyente doon. Inimulat ko ang mga mata ko, tumingin ako sa paligid, nandoon yung squad, si Audriane, si Riko. May ginagawa sila, kaya nagiingay sila. Ay grabe ah! -___-

"Oy tumahimik kayo" sabi ko sakanila

Naibaling ni Tasha ang paningin niya sakin, halatang may nagbago sakaniya. Humaba din ang buhok niya at tumangkad siya ng konti. Ayon pala, nakaheels.

"Uy, Nika. Welcome back" aniya

"Hoy ano yan! Tumangkad ka nga ng konti, ayon pala nakaheels ka! Dati flats lang ang suot mo ah? Anyare ngayon?" Tinanong ko sakaniya ito, pero sa totoo lang nagbibiro ako.

Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko, "Ang pogi nung napulot mo ah. Akin nalang" pabiro niyang sabi

"Uy teka, si Riko ba tinutukoy mo?" Pabulong kong tanong

"Oo, hehe" aniya.

Asus! Ayon! Nagkagusto na kay Riko! BWAHAHAHA. Pero may good looking naman talaga si Riko eh. Napakabait pa :)

Ibinaling ko ang tingin ko sa squad, teka? Bakit kulang?

"Uy, Tasha! Nasan si Aiyko?" Tanong ko sakaniya

"Huh? Ewan ko dun, basta may aasikasuhin daw? Eh, basta!" Aniya

Pansin ko lang kasi dati, di kami laging naguusap, tuwing may meeting lang. Then tuwing nagkikita kami, snob niya lang ako. Basta parang ang weird niya pagkaharap niya ako.

"Ah? Ganun?"

"Oo, eh."

Biglang bumukas ang pinto kaya napunta ang pansin ko sa may pinto, ayon si DK pala, may dala itong roses then stuff toy at balloons na may nakasulat na 'WELCOME BACK'. At dahil dito di ko maiwasan ang di matangal ang ngiti na nakapinta sa mukha ko. At biglang pinaputok ni CJ ang confetty. Haha! Ang nakakaloka lang di ko alam na kahit alam nilang gising ako, di ko padin nahalata > . <

"WELCOME BAAAAAACK" sabay sabay nilang sabi.

"S-salamat" tipid kong sagot, nahihiya kasi ako sakanila.

Hindi ko mawala ang nakapintang ngiti sa 'king mukha. Labis lang ang tuwa ko dahil sa pinageeffortan nila akong isurprise ng ganon ganon bigla. Ngayon kasi ang pangalawang araw ng muli kong pagising dahil ang tagal ko palang natulog? Haha! Charot

Nagulat ako dahil sa may wheelchair na dala-dala si DK.

"Pst! Oy DK, para saan 'yang wheel chair?" Tanong ko

"Huh? Ah! Para sayo 'to! Nabayaran na ni Audriane ang bill mo dito sa ospital kaya pwede ka nang umuwi" aniya

"Ayoooon!! Sa bahay na ang party! Oh, guys! Alam na!!" Ani Illane

"Hoy Illane! Ineenjoy mo ah!" Ani Dristan

"Alangan! Dapat iwelcome back ulit natin si Nika sa bahay nila! Kasi ilang buwan na ang nakalipas ng dito na siya lagi sa ospital! Halos kulang nalang na tumira siya dito" ani Illane

Nagsitawan naman kaming lahat. Eh totoo naman kasi siya, halos iilang buwan na akong nakatira sa ospital walang ibang ginawa kundi ang matulog, sarap buhay.

Agad naman ako inalalayan ni DK para makaupo sa wheelchair. Then sa lobby na kami. Then sa kotse na.

__________________________

A/N:

Kung kanina nabasa niyo na ito, ito na po yung final 😂 di kasi narestore yung ibang parts pero buti nalang 😁.

Sorry for a lame update. Grabe hagard eh 😂 btw, salamat sa nagbasa then sa nagvote. Ito nalang muna ang update.

Enjoy reading :)

~ Elalaaaa (@BitchySae) 😊💚

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now