MY BESTFRIEND, MY RIVAL <08>

268 22 0
                                    

Jiendra Marishall's POV

Miss ko na yung bestfriend ko. Ano ba kasi ang nagawa ko sakaniya? Ano ba ang nagawa kong mali para layuan niya ako? Bakit umalis ang Bestfriend ko?

Nasa tapat ako ng bahay nila Bessy Nika. Gusto kong humingi ng sorry dahil sa di ko pinapansin ang tawag, text, pm at dm niya.

*buuuuuuzz*

Nagdoorbell ako. Magpapaliwanag sana ako sa ginawa ko. Bumukas ang gate nila pero, hindi ang bestfriend ko ang sumalubong sakin kundi ang kapatid niya.

"Audriane, nasan si bes?"

"Ay ate Jiendra. Nako, umalis na kagabi pa. Di ba siya nagtext sayo?"

"H-ha? Umalis siya? Hindi kasi siya nagtext na aalis pala siya."

"Nagbakasyon si ate eh. Kasama yung S.O sa SCA. May gagawain daw sila."

"Ah ganon ba. Sige aalis na ako"

"Sige. Ingat ka ate Jiendra"

"Salamat"

Ikinontact ko ulit yung number niya, still can't be reach hays :( nagdecide nalang ako na umuwi nalang muna sa bahay

Sumakay na ako ng kotse para umuwi, kasi hapon pa ang photoshoot ko at sa gabi naman, may interview kami ni Kennji kasi kahit ngayon trending padin ang usapang paano kami nagkadevelopan.

Minsan nga naiinis na ako. Paulit ulit ko banaman kailangan pang ikwento yon -___- sana naman alam nila. Halos pang sampu ko nang interview to! =___=

*ting*

From: Tyrreeen koooooooooo ♡♡

Looovvveee!! Aalis na ako ahh :) be safe loveeee ILY :* see you later sa interview muaaahh :*

Ehh? Ang sweet naman :)

To: Tyrreeen koooooooooo ♡♡

Aww~ ang sweet naman ng boyfriend ko :) opo magiingat po ako :) ikaw din po ah ( ^ ___ ^ ) ingat sa pagddriveee. Iloveyoumorreeee ♡ see you too later :) :*

Magttwo months na ang relasyon namin ni Kennji Tyrren. Oo, ayos na ang pinapangarap kong buhay dati pero...

Kulang ang bestfriend ko, nawalan ako ng taga-payo, katsismisan, kakulitan, kabonding at parang kapatid. Halos kalahati ng mundo ko dati. Sakaniya lang yon umiikot. Dati nga di ko kayang magshopping ng wala siya pero....

Ngayon, magshoshopping na ako ng wala siya. Kasama ko si Kennji, yung manager ko or yung iba kong kasama sa set. Pero kahit paano, may kasama na ako.

Pero ibang iba talaga pag si Bessy Nika padin ang kasama ko.

Ayoko na kasing magaya dati na tuwing pupunta ako sa mall. Inaapi api ako. Ayoko na. Kaya simula ng nakilala ko si Synnika Maureen Mendoza, natutunan kong labanan ang mga taong inaapi ako at sinasaktan ako.

Siya din ang nagtulak sakin na pasukin ko ang career ng modeling. Malaki ang utang na loob ko sakaniya dahil kung hindi sakaniya. Mahina padin ang loob ko at di ako magiging model ngayon.

Now.... I miss my Bestfriend :(

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now