MY BESTFRIEND, MY RIVAL <55>

134 16 1
                                    


Lairra's POV

"Oh? Natagalan ka ata" bungad ko kay CL

"Hehe, sorry. Tara kain na tayo" aniya

Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng pinggan.

"Bakit ka nga pala natagalan?" Tanong ko kay CL habang nag aayos ako ng pinggan

"Ah? May kumausap kasi sakin eh." Aniya

"Huh? Sino? Kilala ka? Ano pangalan?" Sunod-sunod kong tanong

"Ahm, pangalan niya daw ay Maxine Forte." Aniya

Ha? Maxine Forte kamo? Aba'y yun yung famous nang modela pero daming bashers

"HA? SI MAX? OMG!!" Pahiyaw ko

Nagulat siya sa sinabi ko, "Kilala mo ba siya?" Aniya

Tumango ko, "Oo! Modela siya pero maraming nang babash, kasi daw mahilig daw siyang manira" pag papaliwanag ko

"Ano kaya gusto niya sakin?" Aniya

"Di ka ba niya kinausap?" Sabi ko

"Kinausap naman niya ako" aniya

"Ano yung sinabi niya?" Tanong ko

"Ahh-"

*Kring Kring*

Naputol yung usapan namin dahil sa may tumatawag sa phone ko

"Teka lang sasagutin ko lang 'to" sabi ko

Ngumiti siya at tumango.

---

Candice Leindra's POV

Napatingin ako sa sarili ko habang ako ay naghihilamos ng mukha. Di kasi matanggal sa isapan ko ang sinabi sakin kanina.

"Hay di na bale, matutulog nalang ako" sabi ko sa sarili at nagtungo na sa kwarto ko.

'CL' sabi ng isang babae sakin. Naririnig ko ang boses niya pero di ko makita

'CL' ulit niya

'Ate kamusta ang bakasyon mo sa HongKong? masaya ba? ano meron doon?' sabi ng babae na nakatingin sakin

Hongkong? Ano ginawa ko doon? Sino siya?

'Uy ate! Bakit ka tulala?' aniya

'Audrianne' utal pa ng isang babae

tumingin siya sa likuran niya

TEKA AKO BA 'YON?

'Ate!' ani Audrianne

'Tara na, ang kulit mo kung saan-saan ka pa pumupunta'

'Hehe, ganun talaga sige tara na'

'CL?' ani ng isang lalaki

Tumalikod ako para tignan kung sino pero...

"OY CL! GISING NA PAPASOK NA TAYO!" ani Lairra na inaalog-alog yung kama ko

"Hay buti naman nagising ka na! Bilisan mo na malalate na tayo" aniya

"Panaginip lang pala" pabulong ko

"Hmm? May sinasabi ka?" ani Lairra

Umiling ako "W-wala, sige mag aayos na ako" sabi ko at tumayo na sa hinihigaan ko at dumertso sa banyo.

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now