MY BESTFRIEND, MY RIVAL <57>

117 15 0
                                    


Candice Leindra's POV

"Hindi kita matandaan eh, sino ka?" tanong ko sa babaeng kanina pa ako tinatanong kung kilala ko siya.

Nagulat akong may luhang tumulo sa kaniyang mata.

"B-bakit? B-bakit mo kami ginaganito?" aniya

Nagulat ako sa tanong niya. Mas lalo akong naguluhan pero parang masakit na makita siyang umiiyak.

"U-uy huwag kang umiyak" sabi ko sakaniya saka ko siya nilapitan at nayakap.

Niyakap niya din ako, parang ako din ay nahawa na din sa pag iyak niya. Di ko alam, para bang kilala ko siya, di nalang siya yung basta-basta nalang iiyak kaagad-agad.

Humihigpit ang pag kayakap niya, "Sana, matandaan mo ako, di lang ako. Sana kaming lahat" aniya

"Tahan na." sabi ko

Biglang bumukas ang pinto, at naniningkit ang mata ng isa pang babae na kumausap samin ni Lairra, nabigla ako ng bigla niya akong itinulak palayo.

"Ano ang ginawa mo?!" Pasigaw niyang sabi sakin saka tinulungan ang babaeng umiiyak

Inaawat naman siya ng tinulungan niya, "Tasha! Tigilan mo to, di kasalanan ni Synnika 'to!" Aniya

Hinarap siya ng Tasha, "Ano ang ginawa niya sayo? Ha? Aiyko? Ano sabihin mo?" tanong ng Tasha

Humagulgol ng malakas ng Aiyko, "Bakit? Di niya tayo maalala? Namimiss ko na siya, halos ilang linggo na natin siya hinanap. Pero ito na siya ngayon! Pero bakit ganon? Di niya tayo maalala? Bakit?! Kung naduduwag kayong sabihin sakaniya, pwes ako na ang maglalakas loob na magsabi!" Malakas na sabi ng Aiyko, ako naman ay nanatiling nakaupo sa binagsakan ko kanina bahagyang sumasakit ang balakang ko dahil sa pagkabagsak ko kanina.

Napaiyak din ang Tasha, parang akong nanonood sa live teleserye sa nangyayari, ako yung parang lumalabas na masama. Hay...

"Aiyko, huwag mo muna sabihin sakaniya para di siya mabigla. Please, huwag muna" ani Tasha

Lumapit sakin ang Aiyko, ako ba ang pinag uusapan nila? Bakit? Kilala ba nila ako? Ano ba ang meron samin?

"Pwes kung di mo kami maalala, ako na mismo ang mag sasabi kung sino kami at sino ka! A-"

Naputol ang sinasabi ni Aiyko dahil sa dumating na si Lairra. Nagulat siya dahil sa ako ay nakasalampak sa sahig, agad niya ako inalalayang tumayo.

"Anong nangyari dito?" tanong niya na may bahagyang pag aalala

Hindi na umimik ang dalawa. Agad namang nahalata ni Lairra na sumasakit ang balakang ko dahil sa nakahawak ako dito.

"Tara dalahin kita sa clinic." aniya at nag simula na kaming mag lakad.

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now