MY BESTFRIEND, MY RIVAL <62>

99 14 3
                                    

Jiendra Marishall's POV

"Jie!" salubong sakin ni Kennji, noong nakita niya ako. Lumapit ako sakaniya na ngiting ngiti, halos isang linggo lang ang tinagal ko sa Germany para sa photoshoot ko. At least nakapag-trabaho ako at nakarelax na din.

Pagkalapit ko sakaniya, agad niya akong niyakap ng mahigpit, parang ilang buwan akong di nakita no? :")

"Oh tumigil ka na, maraming nakakahalata sakin, at sa'yo pag kaguluhan pa tayo dito." Sabi ko

Kinuha niya ang maletang dala ko, "Naka shades ka naman eh, at saka ako naka mask. Kaya walang makakahalata satin kung di tayo mag papahalata" aniya at kumindat pa sakin.

Tinutukso nanaman niya ako.

Hinampas ko ang braso niya habang siya naman ay tumatawa.

"Akala mo nakakaakit ka? Pwe kadiri ka" pabiro kong sabi

"Akala mo naman kay ganda mo. Aba! Hindi no!" Aniya

"Bakit sinabi ko bang maganda ako?" Sabi ko

"Bakit sinabi ko bang nakakaakit ako?" Pabalik niyang tanong sakin.

Tinarayan ko lang siya, "Tae ka! Tara na nga baka gabihin tayo!" Pag aaya ko sakaniya.

___

Kianna Chairelle's POV

At sa wakas nag ka-POV ulit ako ^_^ pag pasensyahan, maganda talaga ang Madrigal sa story na 'to. :")

Nakarecieve ako ng message galing kay Kennji, at ayun nga. Kasama na daw niya si Jiendra papunta na daw sila dito. Agad ko namang sinabi ito kanila Tasha para mabilis na nilang ayusin ang dapat pang ayusin.

Napabaling ako sa orasan, alas-singko na pala ng hapon. Kalahati samin ay pagod na pero yung iba naman ay pinipilit ang katawan nilang gawain pa ang ibang gawain, Small or big efforts, efforts are efforts ika nga :>

"Uminom ka muna." Aya sakin ng nasa likod ko.

Pag katalikod ko, si Riko pala.

Weeeh~ si Koyang nagaalala para sa kapatid niya :3

"Salamat." Sabi ko sakaniya at kinuha ang binibigay niyang basong tubig sakin.

"Di ka pa ba napapagod?" Aniya

Umiling ako bilang sagot, "Di ako pwedeng mapagod. Kaibigan nating lahat si Jiendra" sabi ko at saka naibaling ang paningin kay Synnika na abala na tumutulong kay Lairra sa cake, "Hanga ako sa kaniya, kahit alam niyang madami silang pinagdaanan ng kaibigan niya. Di padin siya bumitaw. Kahit alam niyang madami ang pwedeng mag bago." Sabi ko

Naibaling din niya ang paningin kay Synnika. "May naalala ako? Natatandaan pa ba niya si--

"Hindi pa natin alam" pag putol ko sa sasabihin niya. Para sakin, ayoko munang banggitin ang pangalan na iyon dahil sa... alam niyo na

[Um-oo nalang kayo!]

"Ah, naiintindihan ko. Oh sige doon na muna ako." Aniya

Pabalik na sana ako, pero bigla niya ulit akong tinawag.

"Kianna!"

"Ano?" Sabi ko at muling lumapit sa kaniya.

"May nakalimutan ako."

"Ano yun?"

"Ito" sabi niya at hinalikan ako sa pisnge, nakaramdam ako ng pag init ng pisnge ko.

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now