MY BESTFRIEND, MY RIVAL <29>

211 19 2
                                    


Shinnie Audriane's POV

Halos mag iisang buwan na ang nakalipas. Nandito padin ang kapatid ko sa ospital nakahilata sa hospital bed at mukha lang natutulog pero ang condition niya ay coma padin. Mas nauna pa ngang nagising si Riko eh. Ang nangyari naman kay Maxine ay, ayon. Sinampahan namin ng kaso. Even din si Papa nagulat sa nagawa at humingi ng tawad samin.

Ako naman eto, miss na miss ko na ang kapatid ko. Wala akong taga gawa ng assignment at wala din akong ka-bonding.

Paguwi ko galing sa school, sa ospital ang deretso ko. Para bisitahin ang kapatid ko. Lagi akong umiiyak sa harapan niya at nagmamakaawang sana gumising na siya.

"Ate, kung naririnig mo man ako. Sana magising ka na" sabay buhos ng luha ko "alam mo ba, ginagawa ko yung best ko sa school, ginagawa ko lahat ng assignment ko kahit di ko alam yung lessons, kasi di padin ako nakikinig sa prof ko dahil iniisip kita." Sabi ko sakaniya. Tinitigilan ko ang pag iyak ko dahil alam ko namang pag nakita niya akong ganito, mas lalo siyang malulungkot kaya pinigilan ko nalang.

Maya maya, pumasok si Mom sa kwarto ni ate, bakas padin sa mukha niya ang pag aalala. Umupo ito sa gilid ng kama. Nakatingin lang at halatang pinipigilan ang luha sa mga mata niya. Kahit ganito ang kalagayan ni ate, kailangan naming maging matatag at magtiwala na di pa siya bibitiw.

•••••••••

Jiendra Marishall's POV

Narinig ko ang nangyari, halos humagulgol ako ng pumunta sa ospital. Oo, alam ko namang F.O na kami ni Synnika, pero sa tingin ko gusto ko din ang dumalaw sa kaniya. Madami naman kaming napagsamahan. At alam naman naming dalawa mahirap makalimutan ang pagkakaibigan namin.

Nasa 4th floor na ako ng ospital kung saan siya nakaconfine. Pagpasok ko, si DK lang ang bantay. Labis ang pagaalala nito, di ko din inaasahan, ganito ang mangyayari. Nilapitan ko ang pasyente. Bahagya, parang maayos naman ang kalagayan niya, namayat ito. Pero walang kukupas ang ganda niya. Tumayo naman si DK at nagsalita.

"Iiwan muna kita, kung gusto mo siyang kausapin. Go ahead, wait me if your done. Excuse me" aniya

At tuluyan na siyang umalis. Ako naman ay umupo sa bakanteng upuan na malapit sa kaniya. Bahagya, ngayon ko lang naramdaman ang luhang tumulo galing sa mga mata kong nagpipigil ng luha.

"Uy bes." Panimula ko, "bat ka pa nandiyan? Alam mo... ang dami nang nakakamiss sayo" usal ko. "Alam mo, kahit friendship over na tayo, nandito padin ako sa tabi mo. Di ko kayang di ka alagaan eh. Kahit ngayon sana, pagbigyan mo ako.... na alagaan kita..." sabi ko habay iyak ng malakas.

Ngayon lang muli ako nanghina ng ganito. Ang sakit sa pakiramdam, napakasakit. Kahit DI na kami magkaibigan, gusto ko padin yung comfort niya sakin. Lagi ko yun hinahanap. Napatitig ako sakaniya habang tumutulo ang luha ko, maya maya, biglang gumalaw ang daliri niya.

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now