MY BESTFRIEND, MY RIVAL <61>

113 17 0
                                    


Author's Note:

After ko pong ipublish tong chapter na ito, well 4 chapters nalang po ang natitira. Salamat sa mga nagbasa, sa bumoto at nag comment.

Salamat po talaga ng marami :)

After po nito, ipupublish ko na po yung Under The Rain.

•♡•

Candice Leindra's POV

Ang sarap sa pakiramdam na parang bang kumpleto na ang buhay mo.

Ang dating magulong buhay ay unti-unti nang umaayos.

Masaya ang mga alaalang iniisip ko.

Masaya na kung ang mga kaibigan mo ay kasama sa mga alaalang ito.

Ano pa man ang tawag mo sakanila, ang kaibigan ay kaibigan, lahat tayo ay meron niyan.

Kaibigan na pwede mong sabihan ng sama ng loob,

Kaibigan na pwede mong asahan,

Kaibigan na lagi kang tutulungan.

Kaibigan na parating nariyan sayo

Kaibigan na pwedeng umalalay sayo at tumulong.

Kaibigan na kasama mo sa lahat ng kalokohan,

Ito ang kaibigan. Kakampi kahit saan, pinagkakatiwalaan ang bawat isa, at nagtutulungan.

•♡•

"Ang saya ng ganito!!!" Sigaw ni Nicollethe ng nag pahinga kami sa bench, sila Tasha naman ay naroon at parang nagphophotoshoot pa.

"Mas masaya kung kumpleto tayo" Ani Riko

"Wala pa ba sila Jiendra?" Tanong ko sakanila

"WAAAAAAAH ATE!!!" Sigaw ni Audie samin habang tumatakbo siya pabalik dito sa pwesto namin

"Ang ingay mo! Aish! Ano ba yon?" Inis kong tanong dahil sa ingay, tuloy! Ang daming nakatingin samin, at ang iba doon ay namukhaan ako.

"BABALIK NA SI JIENDRAAAAAAA" Sigaw niya at saka tumalon talon na parang kangaroo.

"Weh? Di nga?" Tanong ni Kianna

"Oo ito oh!" ani Audie saka ipinakita ang nakalagay sa tablet niya.

Nagsitalunan sina Nicollethe, madami ata ang nakatakas sa zoo na kangaroo.

"Oh masiyado kayong nagdidiwang eh! Mamaya natin isipin ang gagawain natin para sakaniya."

Mas lalo silang natuwa ng nalaman nila na may gagawain kami para bukas. Hay hay

"Oh tara na mag gagabi na!!!" sabi ko sakanila, malayo layo pa kasi ang biyahe namin pabalik ng Makati. Kung mag papagabi pa kami, baka nga di na namin magagawa ang balak namin para kay Jiendra bukas.

•♡•

Kinabukasan:

Nagising nalang ako bigla ng may narinig ako na parang bang may nabagsak doon sa may ibaba, jusko baka pusa iyon!!!

Naghadali akong bumaba kasi baka nga pusa iyon, naka pusod padin ang buhok ko at nakapanjama pa ako, halatang bagong gising pa ako.

Napatigil ako sa pagbaba ng dahil sa...

"Good morning Nikka!!" Sabay sabay na bati nina Tasha sakin.

Nakatingin lang ako sakanila, akala ko talaga pusa.

"Aakyat muna ako." sabi ko at naghadali na akong umakyat para ayusin ang sarili ko

Agad naman akong nagtungo sa kwarto ko para maligo, at saka pagkatapos ay nag patuyo ako ng buhok. At dumeretso ng pababa.

Pagbaba ko, agad namang tumambad ang nagkalat na icing sa may lamesita, ang kalat ng salas.

"Anong nangyari?" Tanong ko sakanila.

"Hay si Fifi kasi eh" ani Audie habang turo turo ang alaga naming aso, so it means kinain?

"Paano na yan?" Ani Illana na para bang nanghihinayang sa cake na binili nila.

"Ako na ang bahala, linisin niyo nalang ito." sabi ko sakanila saka ako lumabas at nagtungo sa malapit na store sa subdivision namin.

Pagpasok ko, tamang tama nandito siya.

"Yo Synnika!" bati sakin ni Lairra na may dala dala siyang isang tray ng cupcakes, halatang bagong luto lang ang mga iyon.

"Anong oras ang out mo dito?"

"Maya maya na, bakit?"

"Dumeretso ka sa bahay ah?"

Tumango nalang siya, siguro ay alam na niya ang ibig kong sabihin, pag katapos kong pumunta doon umuwi na ako para tulungan sila Illana doon sa bahay.

Pagkalipas ng ilang oras, dumating na si Lairra. Tinulungan ko din siyang gumawa ng cake.

Pagkatapos noon, saktong pag kaluto namin, tapos na din silang mag decorate.

"Yes tapos na! Iisa nalang ang kulang" Ani Aiyko

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now