MY BESTFRIEND, MY RIVAL <42>

152 17 1
                                    

Shinnie Audriane's POV

"You look exhauted, my dear sister." Sabi ko kay ate ng nakita ko siya ng parang bagang nakakita ng multo.

"H-huh?" Aniya

"Ano meron? Bakit ganyan itsura mo? May nakita ka bang multo? Or something?" I asked

"N-nope, n-nothing." She said and painted her face with her fake smile

"Then? Ano nangyari sa date niyo ni Kuya Ken?"

"It's fine. Masaya." Tipid niyang sagot

*beep-beep*

(1 unread message)

From: Kianna

Shinn, balita ko dumating si DK? Ano plano mo?

Lumaki ang mata ko ng nakita ko yung message ni Kian, mentioning the name of DK. Afudge, magpapakita pa to kung kailan okay na si ate. Napatingin ako kay ate, ayun pala dumeretso na sa kwarto niya.

I sighed deeply, ano kaya ang plano niya? Bakit siya bumalik? Hays. Napaisip tuloy akong mabuti, kaya siguro nagkaganoon si ate dahil sa nalaman niyang pauwi dito si DK.

***

Synnika Maureen's POV

Pagkatapos kong makipag usap kay Audie, agad akong nagtungo sa kwarto ko. Di ko namamalayang unti-unti na palang tumutulo ang luha ko.

Napapaisip ako, ano ba ang gagawain ko? Nandito ulit siya?

Nagugulo ang isip ko. Hays, di ko makalimutan ang muli naming pagkikita sa L 'Occitane Cafe.

Almost six months na ang nakaraan, pero malinaw padin ang mga alaalang naiwan sakin, pag sasakripisyo niya sakin. Sinayang ko, siguro karma to.

Humiga ako sa kama, kinuha ang iPad ko saka ito binuksan. Lahat ng nasa feeds ko ay usapan padin tungkol sakanila. Hays, ayoko nang kulungin ang sarili ko sa nakaraan.

***

Kinabukasan:

(SCA Cafeteria)

"Narinig mo na ang balita? Synnika?" Ani Tasha

"Huh? Hindi eh. Ano ba yun?" Tanong ko

"Dito daw magaaral si DK" aniya

Muntikan na akong mabulunan sa narinig ko, hays malas oh

"What? Dito?" Ani Illana

Tumango si Tasha, "Oo, kasama ang top idol sa Japan ngayon. Si Dorothy Ward"

"Kasama pa pala yun" sabi ko sa isip habang tinititigan ang pagkain sa harap ko.

"Okay ka lang? Nika?" Ani Aiyko

Nginitian ko lang sila. Para kunyari, okay lang ako kahit hindi, sa totoo lang nasasaktan ako. Ganun naman lagi diba? Tuwing sa nagmamahal ka, di mo maiiwasan na masaktan ka.

"Speaking of" ani Kianna

Nagsitilian ang mga enstudyante sa buong cafeteria ng school, dahil sa dumating na si DK at Dorothy, magkahawak pa ang kamay.

Si Dorothy ay todong ngiti sa mga taong nakapaligid sakanila, samantala si DK, parang ang daming nagbago sakaniya, parang ang cold niya. Sa tingin ko lang naman. Ngunit, nakangiti din ito dahil sa maraming taong nakapaligid sakanila

Nagtama ang mga mata namin ni DK pero umiwas siya ng tingin, nakilala siguro niya ako kahit maigsi padin ng konti ang buhok ko.

Tumayo ako para magbanyo pero may naramdaman akong nakakapit sa kamay ko, "Saan ka pupunta?" Ani Aiyko

"Sa comfort room" malamig kong sagot.

Binitawan niya ang kamay ko, ako naman ay nagtungo sa comfort room.

Nangnakarating ako sa comfort room, agad kong inilock ang pinto saka tumingin sa salamin para titigan ang sarili.

Namumuong luha ang napansin ko sakin, di ko kayang panoorin na may ibang kasama si DK.

"Okay lang yan, di mo naman sila kaklase diba? Di mo sila makikita tuwing lunch lang. Chill Synnika" sabi ko sa sarili at iniiwasan kong patuluin ang namumuong luha sa mga mata ko

Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ko, agad naman akong lumabas ng banyo.

Paglabas ko, nagulat ako dahil sa may humawak sa braso ko, napakahigpit ng hawak nito sakin.

"Mag usap tayo"

Ipinaling ko ang paningin ko sa humawak ng braso ko, nagulat ako dahil sa si DK ang may hawak sakin.

"D-DK?"

***

Last update for todaaay 😄
Friday bukas. Kaya till MN ang ud ko 😊
sorry for lame update.

Enjoy reading 😘
Till the next chapter mwaps 😚
Please vote... Thankiieee 💓💓

Happy 5K 😊

My Bestfriend, My RIVAL Where stories live. Discover now