SURPRISE KAYE!

2K 145 39
                                    


KAYE'S P.O.V.






Umaga na naman. Panibagong araw na wala akong katabi. Bilang na bilang ko pa din mga gabing mag-isa akong natutulog simula ng maghiwalay kami. Hindi ko na alam gagawin ko sa gabing naiisip ko sya. Wala pa din syang paramdam sakin simula ng mag-away kami. Kung tutuusin kayang kaya ko naman syang puntahan anytime sa bahay nya pero di ko ginagawa. Gusto ko syang pabayaang lumapit sakin at mag-sorry. Hindi dapat ako ganito. Hindi dapat ako ang lumalabas na may kasalanan sa lahat. Parehas lang kaming nagkamali. At kung ayaw nya na talaga wala na kong magagawa kundi tanggapin na lang na ganito na kaming dalawa.



Wala na sya. Alam kong kahit magmakaawa akong bumalik sya sakin hinding hindi na sya babalik dahil may iba na sya. Iba na si Reah. Marami na ding nagbago sa kanya. Marami na din syang naging bagong pananaw sa buhay. Marami na din syang gusto na hindi ko kayang ibigay. Tama na din sigurong binitiwan ko sya. Para mas mahanap nya pa talaga yung sarili nya at para malaman nya talaga kung anung gusto nya.



Nakakalungkot din kasing isipin na sa tinatagal tagal at sa hinaba haba ng panahong pinagsamahan at pinagdaanan namin sa ganito lang pala kami babagsak. Akala ko talaga kami na. Nandun na eh. Malapit na. Isang linggo na lang bago yung araw na hinihintay namin. Isang linggo na lang magiging akin na sya. Pero wala. Wala na sya.




"KAYE!!!!!"


Bigla akong napaupo ng marinig ko boses ni Kim na kumakatok sa pinto ng kwarto ko. 


"Anung ginagawa mo dito? Ang aga-aga naman Kim?" Tanong ko. Pumasok agad sya ng kwarto ko pagkabukas ko ng pinto.


"Anung ang aga-aga ka dyan. Tignan mo nga yang orasan mo ng malaman mo kung anung oras na. 1pm na Kaye! Hapon na nakahilata ka pa din." Nagulat ako sa sinabi nya. Napatingin ako sa orasan ko. Oo nga 1pm na. Tinanghali na naman ako. Inumaga na naman kasi ako ng tulog kanina.


"Sorry. Alam mo namang hirap akong matulog ngayon." Paliwanag ko.



"Oo alam na alam ko. Kaya mag-ayos ka na at aalis tayo." Utosnya.


"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko.


"Eh di saan pa ba. Sa Bar ni Nicky." Sagot nya.


"Sa Bar? Teka Kim 1pm pa lang. Bakit naman ako pupunta ng ganitong oras dun? At saka bakit sakin ka nagpapasama. Nasan ba si Nicky?" Tanong ko.


"Busy sa resto si Nicky at saka busy din sya para sa party mamaya sa Bar." Sagot nya.



"Party? Para saan?" Tanong ko.


TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon