I know you miss Kaye so eto na.....!!! Ready na ba kayo? Haha..
Nakaattached yung MV ng Hanggang Kailan ni Michael Pangilinan at syempre ang best actor natin na si idol KAYE CAL👏👏👏. Ang galing nya!
Eto na guys!
Enjoy!
*****
KAYE'S P.O.V.
"Alis na ko."
"Teka bakit saan ka pupunta?" Tanong ni Tyng.
"Saan pa nga ba eh di kay Reah." Si Princess ng sumagot para sakin.
"Bakit bumalik na ba sya?" Tanong ulet ni Tyng.
"Hindi ko alam pero sabi ni Jessy sakin ngayon daw sya uuwi. Sige na alis na ako. Bye." Pagkasabi ko nun umalis na agad ako. Gusto ko ng makapunta sa bahay nila Reah ngayon. Kung kaya ko lang lumipad papunta dun ngayon ginawa ko na kanina pa. Sana lang nandun na si Reah. Sobrang miss ko na sya at sana lang din kausapin nya na ako.
Nagmadali na akong magdrive papunta sa bahay nila. Wala na akong pakialam kung sobrang bilis na ng pagdadrive ko basta makarating lang ako agad sa pupuntahan ko.
Pagkadating ko sa bahay nila Reah nagpark ako agad at nagmadaling pumasok sa loob. Nakita ko si Tita na nakaupo lang sa sala at mukang may kausap sya sa cellphone nya kaya hindi ko na lang muna sya inistorbo. Hinintay ko na lang syang matapos sa kausap nya at pagkatapos nya nakita nya din agad ako.
"Kaye? Kanina ka pa?"
"Hindi naman po ngayon-ngayon lang."
"Ganun ba? Upo ka na muna. Kumaen ka na ba?"
"Tapos na po." Nakangiting sagot ko pagkaupo ko.
" Ngayon ka na lang ulet nagpakita sakin ha kamusta ka na?"
"Sorry po nagpakabusy lang din para hindi ko po masyadong mamiss si Reah. Dumating na po ba sya?" Tanong ko pero imbes na sagutin nya ako napabugtong hininga na lang sya.
"Bakit po? Nasaan po sya?" Tanong ko.
"Tumawag sya kanina Kaye. Hindi daw sya makakauwi ngayon."
"Ha? Bakit daw po may problema po ba? Ayaw pa din po ba nya akong makita? Galit pa po ba sya sakin?"
"Hindi Kaye may emergency lang. Hindi kasi maganda lagay ng Lola nya ngayon kaya hindi nya maiwanan."
"Ganun po ba. Eh kailan daw po ba sya uuwi?"
"Baka next week. Hindi ko din alam kung kailan Kaye. I'm sorry hindi kita masasagot."
"Pero..." Hindi ko na alam sasabihin ko. Hindi pwede to. Hindi ko na kayang maghintay pa ng isang linggo para lang makita sya. Kailangan gumawa na ako ng paraan dapat magkausap na kaming dalawa. Hindi na tamang tumagal pa to dahil baka masanay na syang wala ako. Baka mamaya may iba ng umaaligid kay Reah at nililigawan sya. Hindi ko alam kung kaming dalawa pa ba hanggang ngayon kaya gusto ko syang makita at makausap para linawin sa kanya lahat. Ayaw ko syang mawala sakin.
"Saan ko po ba sya makikita? Ako na lang pupunta sa kanya." Tanong ko.
"Kaye wag na baka hindi ka pa gustong makita ni Reah."
"Ma please. Hindi ko na po kasi kayang magtagal pa to. Sobrang tagal na po ng isang linggo at hindi ko na kaya pang maghintay pa ulet ng isang linggo para lang makita sya. Kailangan ko po si Reah kaya please parang awa nyo na sabihin nyo na po sakin kung nasaan sya." Pagmamakaawa ko.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 3)
Hayran KurguKung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung anu at sinu ang sinisigaw nito. Pero paano kung ang tadhana mismo ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay kayo? Paano pag sa paglipas ng pan...