RESIGNATION

2K 106 20
                                    

Hi guys!

Sana hindi kayo maguluhan kasi hindi ko na ilalagay yung FLASHBACK sa title at sa mga notes ko ha. Basta nagstart na yung FLASHBACK natin nung last chapter ha. Mahaba haba tong pagbabalik tanaw na to guys! 😂😂😂

Uy in fairness ha. May mga malapit lapit na sagot na ako na nababasa. Hula pa hanggang Monday 😊.

Isang chapter pa!!

Enjoy!!!












*****

REAH'S P.O.V.


"Kaye!" Sigaw ni Mama pagkapasok ni Kaye sa bahay.

"Tita." Nakangiting bati ni Kaye kay Mama. Nagyakapan silang dalawa. Parang hindi ako nakikita ni Mama.

"Tita ka dyan. Mama na lang din ha. Teka lang may napansin ako. Ang gwapo mo lalo ngayon ha." Sabi ni Mama habang tinitignan si Kaye mula ulo hanggang paa.

"Hindi naman po." Nakangiting sabi ni Kaye.

"Pahumble pa. Teka nakalipstick ka ba o natural ng mapula yang labi mo?" Nagulat ako sa tanong ni Mama.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kaye. Nahiya ako bigla sa tanong ni Mama. Bakit kasi kailangan nya pang itanong yun?

"Hahaha. Tita talaga. Namiss ko po kayo." Natatawang sabi ni Kaye sabay kagat sa labi nya.

Napatingin ako sa labi nya. Sobrang pula nga. Matagal naman ng kissable lips si Kaye pero iba kasi talaga pagkapula ng labi nya ngayon. Dala siguro ng ginawa naming dalawa kanina. Hindi ko alam kung matatawa ako. Para kaming baliw ni Kaye kanina. Talagang sa kotse pa namin ginawa yung mga ganung bagay. Hindi man lang kami nakapaghintay na makauwi.

"Kumaen na ba kayo?" Tanong ni Mama.

"Kakatapos lang namin Ma. Nagdinner na po kami sa labas." Nakangiting sagot ko.

"Ganun ba. Ohsya sige na hindi na ako manggugulo sa inyong dalawa para makapagpahinga kayo. Good night na. Aakyat na din ako sa taas ha. Kaye enjoy. Feel at home lang ha." Sabi ni Mama sabay yakap samin dalawa ni Kaye.

"Good night Ma." Sabi ko kay Mama.

"Good night po. Ma." Sabi ni Kaye. Napatingin ako sa kanya. Napangiti na lang kaming dalawa ni Mama.

Umakyat na sa taas si Mama. Naiwan na kaming dalawa ni Kaye.

"Tayong dalawa na lang ulet." Pabulong na sabi nya. Natawa ako sa kanya.

"O anu naman ngayon kung tayong dalawa na lang ulet?" Natatawang tanong ko.

"Reah naman. Namiss kita eh." Nagpapaawang sabi nya sabay yakap sakin.

"Namiss mo ako? Kaye kanina pa tayo magkasama at kanina pa tayong dalawa sa kotse. At tama na yun okay?" Natatawang sabi ko.

Hindi na nagsalita si Kaye. Humigpit lang lalo pagkakayakap nya sakin. Nakayakap lang din ako sa kanya.

"Anu bang nakaen mo bakit ganyan ka?" Natatawang tanong ko.

Hindi sya nagsasalita. Hinalikan nya lang ako sa noo ko. At nilagay nya ulo nya sa leeg ko.

"Tara na. Itulog mo na lang yan ha." Aya ko.

Hinila ko na paakyat si Kaye sa kwarto ko. Hindj na din sya umangal. Pagod na din ako at gusto ko ng magpahinga. Mahaba haba pa naman mga araw ni Kaye na kasama ako kaya hahayaan ko na lang muna na magpahinga sya bago ko sya kausapin tungkol sa kasal namin.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon