"It's when you look at that person and it's like everything about her/him is just so perfect that you can't help but keep falling.
Many times you tried to look away cuz the fact that you don't have a clue if that person feels the same way sucks big time.
And what's worse is that every time you try to move on,
there would always be something that would keep pulling you back..
And so you give in.
Feeling helpless, the only thing you can do is pray and hope that one day she'd/he'd turn a bit and finally...
see you."
- KAYE CAL
(Sana Kahit Minsan Cover)
*****
REAH'S P.O.V.
Kanina pa ko dito sa terrace. Hinihintay ko si Kim. Sabi nya babalikan nya ko at kukuha lang daw sya ng maiinom namin pero wala pa din sya hanggang ngayon.
Tinawagan ako ni Khel. Hinahanap na ko ni Baby KC. Nahihirapan na naman syang kausapin anak nya pero nakausap ko naman ng maayos si KC at OK na sya. Nakatulog na sya habang kausap ko sa phone kanina.
Kinukulet din ako ni Khel na umuwi na pero hindi pa ako makakalis dito hangga't hindi ko pa nagagawa gustong ipagawa sakin ni Kim. Dapat kausapin ko si Kaye. Pinipilit din ako ni Khel na sunduin ako mamaya kung gusto ko ng umuwi. Alam nya kasing iinom ako kaya ganun na lang sya kung mag-alala sakin.
"Anung ginagawa mo dito?"
Nagulat ako.
Napatingin ako sa kanya. Nandito si Kaye. Hindi agad ako nakasagot dahil sa gulat ko. Inabot nya sakin yung inumin na hawak nya. Kinuha ko agad. Mukang dinalhan nya talaga ako nito. Alam nya kayang kakausapin ko sya ngayon. Sinabihan kaya sya ni Kim na pumunta dito para makapag-usap na kami. Bakit ganun? Bakit ganito ako? Natataranta na naman ako. Hindi dapat ako ganito. Dapat ipakita ko sa kanya na OK lang ako.
"Pinapunta lang ako ni Kim dito. Ikaw bakit nandito ka?" Tanong ko. Sa wakas nakapagsalita din ako.
"Mukang na set-up tayo ng dalawa." Nakangiting sagot nya.
Napangiti na lang din ako. Tama sya. Set-up nga to. Sobrang galing talaga ng mag-asawang yun. Ang sarap saktan.
Natahimik na lang kaming dalawa ni Kaye. Wala ng nagsalita saming dalawa. Parehas lang kaming nakatingin sa malayo. Ang awkward sa pakiramdam. Katabi ko si Kaye pero hindi na katulad ng dati. Magkatabi kami pero may distansya pa din. Halatang may ilangan pa din sa isa't isa. Wala akong maisip na pwedeng sabihin sa kanya. Anu ka ba Reah mag-isip ka naman. Kausap ko na naman sarili ko. Naiinis na ko.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 3)
FanfictionKung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung anu at sinu ang sinisigaw nito. Pero paano kung ang tadhana mismo ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay kayo? Paano pag sa paglipas ng pan...