REAH'S P.O.V.Nagising ako ng sobrang aga. Hindi talaga ako makatulog ng maayos kaya sobrang sakit tuloy ng ulo ko. Napatingin ako kay Kaye. Ang himbing ng tulog nya. Niyakap ko lang sya ng mahigpit. Naalala ko na naman nangyari kagabi. Grabe hindi ko talaga alam kung bakit tinanong ko ng ganun si Kaye. Bakit ba kasi nagpadala pa ako sa mga sinabi ni Jessy kahapon? Dapat hindi na lang ako nakinig at hindi ko na tinanong ng ganun si Kaye. Buti na lang at hindi nya minasama yung pagtatanong ko pero aaminin ko natakot talaga ako kagabi lalo na nung ang tagal nyang hindi sumagot sa tanong ko kasi buong akala ko sasabihin nya na totoo lahat yung mga nakita ni Jessy.
Two days na lang bago yung anniversary namin at two months na lang din bago kami ikasal ni Kaye. Sobrang bilis ng mga araw pero kahit papanu madami na din naman kaming nagawa ni Kaye, I mean si Mama pala. Madami na din syang nagawa at naplano para sa kasal. Napag-usapan na din namin ni Kaye na next month magiging free na ang schedules namin para sa preparations.
Masyado pang maaga para gisingin ko si Kaye kaya nagdahan dahan lang ako sa pagbangon ko. Gusto ko munang magluto ng makakaen namen bago ko sya gisingin. Pagkabangon ko naghanap agad ako ng pwedeng lutuin. Ilang araw na din pala kaming hindi nakakapamili ng stocks namin ni Kaye para dito sa condo. Sobrang busy kasi naming dalawa. Bukas na lang ako mamimili at isasabay ko na lang sa mga lulutuin kong pagkaen para sa anniversary naming dalawa.
Wala naman akong masyadong plano para sa friday. Magluluto lang ako ng dinner naming dalawa ni Kaye pero syempre dapat may mairegalo ako sa kanya. Kailangan maging especial ang araw na yun para saming dalawa.
Habang nagluluto ako tinignan ko muna cellpone ko para icheck kung anung mga gagawin ko mamaya. Buong magdamag na naman pala ako sa site ngayon. Ilang araw na din akong napapadalas sa site dahil kailangan ako dun. Hindi ko talaga alam kung bakit naging ganito na yung trabaho ko. Sobrang layo na nito sa trabaho ko dati na naeenjoy ko pa lahat ng ginagawa ko pero ngayon ayaw ko na talaga. Hindi ko magawang umalis dahil sobrang laki ng utang na loob ko kay Ninong para iwanan syang mag-isa at isa pa parte ng company na to si Papa. Ayaw kong masira lahat ng pinaghirapan nya noon kaya kailangan kong pagtyagaan tong trabaho ko. Baguhan pa lang din kasi ako dito kaya siguro ganito ako pero alam ko habang tumatagal magiging okay din ako dito.
Natapos na akong magluto ng breakfast namin ni Kaye. Hinanda ko na pagkaen namen gusto ko syang isurprise ng isang breakfast in bed. Matagal tagal na din simula ng gawin ko to. Pagkalagay ko sa tray ng pagkaen ni Kaye at palapit na sana ako sa kanya ng biglang nagring cellphone nya. Nilapag ko na lang ulet yung tray sa table malapit sa kama namin bago ko tignan yung cellphone nya. May tumatawag sa kanya hindi ko alam kung gigisingin ko na ba si Kaye o ako na lang ang sasagot. Tinignan ko kung sinu yung tumatawag sa kanya.
"Janna? Sinung Janna?" Tanong ko sa sarili ko pagkakita ko ng pangalan ng caller. Hindi ko na nasagot yung tawag nya dahil sa kakaisip ko kung sinu si Janna. Wala akong kilalang kaibigan namin ni Kaye na may pangalang Janna pero lang sa designer ng gown ni Kim dati. Oo tama. Janna nga name nun pero bakit sya tatawag kay Kaye o baka naman mali lang ako. Baka ibang Janna nga talaga to.
"Reah? Bakit ang.. Teka bakit hawak mo cellphone ko?" Gulat na tanong nya.
"Ha? May tumawag kasi eh. Janna yung name nya sa cellphone mo pero hindi ko nasagot di ko na naabutan. Sorry." Sagot ko. Binaba ko na yung cellphone nya.
"Ganun ba. Hayaan mo na tatawag lang din ulet yun. Bakit ang aga mong nagising?" Tanong nya.
"Hindi kasi ako makatulog ng maayos kaya hindi na lang ako natulog ulet. Nagluto na lang ako ng breakfast natin." Nakangiting sabi ko sabay kuha ulet ng tray sa table. "Good morning." Nakangiting bati ko habang tumatabi ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 3)
FanfictionKung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung anu at sinu ang sinisigaw nito. Pero paano kung ang tadhana mismo ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay kayo? Paano pag sa paglipas ng pan...