REAH'S P.O.V.
Nagmadali akong umakyat ng kwarto ko. Hindi ko na napigilan yung pag-iyak ko. Naiinis na ako sa sarili ko dahil ang hina-hina ko. Ang hirap. Sobrang hirap. Gusto kong ayusin lahat. Gustong gusto kong bumalik sa dati pero bakit ba ganito ako hindi ko na talaga maintindihan.
Iniwan ko lang mag-isa si Kaye. Hindi ko na sya hinintay na makababa ng kotse at habulin pa ako. Alam kong nasaktan sya sa mga sinabi ko pero anu bang magagawa ko pinilit nya kong sagutin ko sya at sinabi ko lang naman kung anu yung totoo.
Alam kong hindi tama yung ginawa ko at nakaramdam ako ng awa sa kanya. Wala naman syang ibang ginawa sakin kundi mahalin lang ako pero eto ako sinasaktan ko lang sya. Hindi nya deserved tong ganito, dapat masaya lang sya pero hindi ko magawa yun. Hindi ko maibigay kung anu yung mga bagay na ikakasaya nya. Bakit ba hirap na hirap ako? Anu bang kailan kong isipin at gawin para bumalik kami sa dati?
Ayaw kong saktan si Kaye pero ayaw ko din namang magsinungaling pa sa kanya para lang pagtakpan yung mga bagay na kahit kailan hindi na magiging katulad ng dati. Ang sakit isipin at tanggapin na wala na talaga. Pinipilit kong maging maayos pa ang lahat kahit alam kong hinding hindi na talaga mababalik pa sa dati pero kailangan ko pa ding subukan. Nanghihinayang ako sa mahabang panahon na pinagsamahan at pinagdaanan namin kung tatapusin ko lang agad-agad tong relasyon namin, dapat pag-isipan ko to ng mabuti dahil baka dala lang to ng pagkalito ko sa nararamdaman ko.
Kanina habang nasa Bar kami at nakikinig ako kay Michael hindi ko maiwasang hindi makapag-isip ng kung anu-anu. Alam ko na bawat kanta nya may kinalaman sakin at sa kanya. Halos lahat ng mga kinanta nya may naipapaalala sakin pero yung kantang pinaka naapektuhan talaga ako ay yung huling kinanta nya. Ang sakit. Naramdaman ko yung sakit na nararamdaman nya habang kinakanta nya yun para sakin. Bakit ba kailangang maipit na naman ako sa ganito sitwasyon? Ayaw kong nakakasakit ako pero ayun yung ginagawa ko sa kanilang dalawa. Kailangan kong ayusin to. Kailangan maging maayos na ulit lahat kaya kailangan ko ng magdesisyon. Gagawin ko na lang kung anu yung sa tingin kong tama.
Habang nakaupo ako sa kama ko at nakatingin lang sa malayo biglang nag-ring yung cellphone ko. Tinignan ko agad para malaman kung sinung tumatawag. Pagkakita ko sa cellphone ko nataranta ako bigla at sinagot ko kaagad.
"Hello Tita Laura." Bati ko agad habang nagpupunas ako ng luha ko.
"Hello Reah kamusta?" Tanong nya.
"Okay naman po Tita. Napatawag po kayo?" Tanong ko.
"Oo kasi itatanong ko lang kung kasama mo ba si Kaye? Ilang araw na kasi syang hindi tumatawag samin tapos kanina ko pa sya tinatawagan pero hindi naman sumasagot nag-aalala lang ako kasi baka mamaya kung napaanu na sya." Paliwanag nya.
"Ganun po ba. Opo kasama ko po sya." Sagot ko.
"Buti naman. Pwede ko ba syang makausap?" Tanong nya. Hindi ako makasagot sa tanong nya. Hindi ko alam kung paanu ko ibibigay yung cellphone ko kay Kaye.
"Hello Reah?"
"Po?" Nawala ako bigla sa sarili ko. Hindi ko alam gagawin ko.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 3)
FanfictionKung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung anu at sinu ang sinisigaw nito. Pero paano kung ang tadhana mismo ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay kayo? Paano pag sa paglipas ng pan...