GIRLFRIEND DUTIES

954 55 17
                                    

KAYE'S P.O.V.

"Ano to?" Tanong ko ng may biglang inabot na paper bag sakin si Kamuy.

"Isukat mo tignan natin kung kasya." Sagot nya.

"Damit? Kanino galing?" Tanong ko habang tinitignan ko yung damit na bigay nya.

"Kanino pa ba? Eh di sakin. Binili ko yan sige na isukat mo na." Utos nya habang abot tenga yung ngiti nya.

"Saan galing pera mo? At saka bakit parang ang dami mong pinamili?" Tanong ko. Napatingin ako sa mga damit na hawak nya.

"Ha? Ipon ko. Eto naman nagtatanong pa ikaw na nga tong binilhan eh." Sagot nya.

"Nagtataka lang ako. Gumastos ka na naman dapat nag-iipon ka." Sabi ko habang sinusukat ko yung damit.

"Oo na po. Ngayon lang naman eh." Dahilan nya.

Hindi na ako nagsalita tinignan ko na lang kung kasya yung damit sakin. In fairness maganda tong damit na nabili nya para syang si Reah mamili ng damit.

"Bagay. Ang ganda." Natutuwang sabi nya habang kinukunan pa ako ng picture.

"Itigil mo yan." Naiinis na sabi ko.

"Sungit! Kumain ka na?" Tanong nya.

"Hindi pa. Ikaw?" Tanong ko pabalik habang hinuhubad ko na yung damit.

"Nagmerienda lang ako kanina pero dinner hindi pa." Sagot nya.

"Bakit nga pala ginabi ka na? At saka sinung naghatid sayo? Nagtaxi ka ba?" Tanong ko.

"Ha? Oo nagtaxi na lang ako hindi na kita tinext kasi baka busy ka." Sagot nya.

"Tara kain na lang tayo sa labas." Aya ko.

"Magluluto na lang ako ayaw mo?" Tanong nya.

"Wag na baka hindi ko pa makain." Sagot ko.

"Aray! Ang sakit mo namang magsalita palibhasa luto lang ni Ate Reah kinakain mo. Miss ko na tuloy sya. Kailan ba sya babalik?" Nagtatanong na naman sya.

"Matatagalan pa. Tara na tanong ka na naman ng tanong." Sabi ko sabay bulsa ng wallet at cellphone ko.

"Matatagalan? Gaanu katagal? Mga bukas?" Nakangiting tanong nya.

"Kamuy! Bakit ba ang kulit mo?! Sinabi na ngang matatagalan." Naiinis na sabi ko.

"Weh? Talaga? Baka naman hindi talaga sya out of town. Baka naman kasi sa iba lang sya natutulog." Tanong nya.

"Anu?" Tanong ko kahit narinig ko naman sinabi nya. Hindi ko lang alam kung bakit sinasabi nya to. Nakita nya kaya si Reah kanina?

"Wag ka ng magmaang-maangan pa dyan. Kilala kita alam kong may problema kayo kaya wala sya dito." Sagot nya.

"Teka nga. Anu bang sinasabi mo? Nagkita ba kayo ni Reah kanina?" Naiinis na tanong ko.

"Bakit ko sya makikita? Di ba nga out of town sya?" Nakangising tanong nya.

Hindi na ako nakasagot kinuha ko na lang yung susi ko at naglakad na palabas.

"Ayaw nyang sumagot kasi tama ako." Pang-iinis nya habang nakasunod sakin.

Hindi ko na lang sya pinansin at naglakad na lang ako pero ayaw nya talagang tumigil.

"Bakit ba kasi wala dito ngayon si Ate Reah? Magkaaway ba kayo?"

"Tumigil ka na."

"Dali na kasi sagutin mo na ako. Bakit ba kasi?"

"Anu ba Kamille? Bakit ba ang kulit mo?!" Pasigaw na tanong ko.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon