Guys. May tanong ako.
Bakit ang gwapo nun👆? 😂😁
Okay back na sa story. Sorry sa bitin na last update.
Ihanda ang... kung anumang ginagamit nyong pamunas😂😂😂.
Enjoy!
*****
REAH'S P.O.V.
Pagkatapos naming kumain ni Kaye umalis na din kami agad at umuwi na. Hanggang sa makauwi na kami hindi nya pa din ako kinakausap. Nakatingin lang ako sa kanya. Pinapakiramdaman mga kilos nya. Gusto ko syang kausapin pero kailangan maghanap ako ng magandang timing dahil kapag nagkataong magkamali ako at hindi ko maipaliwanag sa kanya ng maayos alam kong magagalit sya.
Nakapagpalit na ng damit si Kaye at nakahiga na sa kama samantalang ako eto pa din nakatayo at hindi alam kung paanu ko sya kakausapin. Nagpalit na lang din muna ako ng damit ko bago ako tumabi sa kanya. Pagkatapos ko nakita kong patulog na sya. Hindi pwedeng matapos tong araw na to ng hindi ko sya nakakausap kaya lumapit na agad ako sa kanya at kinausap sya.
"Kaye?" Tumingin sya sakin.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko.
"Tungkol saan?" Tanong nya.
"Tungkol sa... kasi napansin ko... galit ka ba sakin?" Nauutal na tanong ko.
Hindi nya ko sinagot. Tinignan nya lang ako at saka umupo ng maayos. Hinihintay ko na magsalita sya pero wala syang sinasabi.
"Kaye?"
"Hindi ako galit." Biglang sagot nya.
"Pero bakit ganyan ka? Buong araw mo na kong hindi kinakausap ng maayos. May problema ba tayo?" Isang napakatangang tanong. Talagang tinanong ko pa sya kahit parang alam ko na din naman yung sagot. Pero kung sa bagay gusto ko lang malaman kung talaga bang may alam na sya.
Napabugtong hininga si Kaye. Umiwas sya ng tingin sakin at saka humiga ulit.
"Kaye please sagutin mo ko." Pagpupumilit ko.
"Matulog ka na." Utos nya.
"Hindi ako matutulog hangga't hindi mo ko sinasagot." Sabi ko sabay tayo.
"Ako ba dapat sumagot ng mga tanong mo?" Tanong nya. Hindi pa din sya nakatingin sakin.
"What do you mean?" Tanong ko pabalik.
"May problema ba tayo Reah?" Binalik nya yung tanong sakin sabay upo ulit at tingin sakin. Nagulat ako sa tanong nya kaya hindi ako nakasagot agad.
"Wa--- wala?" Patanong at hindi siguradong sagot ko. Natawa lang sya sa narinig nya.
"Kaye naman. Please anu ba may problema ba?" Please Kaye sabihin mo kung anung alam mo para malaman ko kung saan ako magsisimula ng paliwanag ko.
"Ikaw ng sumagot di ba. Ang sabi mo. Wala tayong problema." Madiin na sabi nya.
"Kaye."
"Matulog ka na." Pagkasabi nya nun humiga na ulit sya at tumalikod sakin.
Gusto ko pa sana syang tanungin pero hindi na lang ako nagsalita. Humiga na lang ako sa tabi nya. Ayaw nya akong kausapin ng maayos at hindi ko din naman kayang makipagsabayan sa init ng ulo nya. Hindi ko na talaga maintindihan. Anu bang gagawin ko? Dapat ba diretsuhin ko ng sabihin sa kanya? Bakit ba wala akong lakas ng loob pagdating sa ganito?
Napatingin ako kay Kaye. Nakatalikod sya sakin. Alam kong hindi pa sya tulog. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit. Umangat ako ng konti para tignan sya. Nakapikit na sya. Hinalikan ko na lang sya sa pisngi nya.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 3)
FanficKung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung anu at sinu ang sinisigaw nito. Pero paano kung ang tadhana mismo ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay kayo? Paano pag sa paglipas ng pan...