Hi guys!
Update ulet 😊 kasi gusto ko ng matapos yung story kasi ang dami ko ng gustong simulan na bago😊. (Walang tulugan na naman😂😄)
Gaya ng pinangako ko kapag lumabas na ang album ni Idol gagawa ako ng short story base sa songs nya at syempre ang bida ay KAYO esp. Sa mga sumali sa guessing game natin 😊. Nagbackread ako ng ilang sagot nyo at infairness may nakita akong tumama. Not exactly the same pero keribels na 😂😄.
So egzoited na sa mga mangyayari😂😂😂.
Eto na guys!
Enjoy!!
*****
REAH'S P.O.V.
"Good morning Reah." Bati ko sa sarili ko pagkadilat ko. Isang panibagong araw na naman para sakin. Napatingin ako bigla sa kanan ko.
"Good morning." Mahinang sabi ko. Nasanay na kong ginagawa to. Yung babatiin ko sya pagkagising ko pero iba na ngayon dahil wala sya. Wala akong katabi kundi sarili ko lang.
Nagmadali na akong tumayo at naligo na agad para makababa na. Pagkatapos kong maligo nagpalit na agad ako ng damit ko. Naeexcite akong umalis ngayon dahil marami akong gustong puntahan. Pagkababa ko nakita ko na agad si Lola na busy sa pagluluto.
"Good morning La!" Malakas na bati ko.
"Hay Dyos ko po! Anu ka ba namang bata ka! Bakit nanggugulat ka!" Nagulat ko sya.
"Sorry La. Naexcite lang. Anu po yang niluluto nyo?" Tanong ko.
"Anu pa nga ba eh di yung paborito mo. Sige na tawagin mo na Kuya Jojo mo para makakaen na kayo." Utos nya.
Hindi na ako nagsalita at sinunod ko na agad si Lola. Pagkalabas ko para hanapin si Kuya Jojo iba naman yung nakita ko.
"Good morning." Nakangiting bati sakin ni Michael.
"Good morning." Bati ko pabalik.
"Wow Tol ang aga mo na naman ha! Nakakapanibago ka ikaw ba yan?" Biglang singet ni Kuya Jojo sabay akbay kay Michael.
"Sira! Syempre sasamahan ko si Reah kaya kailangan maaga ako." Paliwanag ni Michael habang papasok na sila sa loob.
"Sus! Palusot mo! Kilala kita Tol! Reah sagutin mo na nga to nakakaawa naman." Natatawang sabi ni Kuya Michael. Natahimik ako sa sinabi nya at ganun din si Michael. Natawa ako bigla ng makita kong siniko nya sa tagiliran si Kuya Jojo.
"Oh Michael nandyan ka na pala. Lika na dito at sabayan mo na kaming kumaen." Aya ni Lola.
"Lola di mo na po kailangang sabihin dito naman talaga kakaen yan eh syempre gusto nyang sabayan si Reah." Panunukso ni Kuya Jojo. Sya naman ngayon inakbayan ni Michael. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa kasi kulang na lang sakalin na sya ni Michael.
"Ayan na naman kayo. Tama na nga yan at kumaen na tayo para makaalis na kayo ng maaga."
"Opo La." Sabay sabay na sabi namin. Nagkatinginan kaming tatlo sabay tawa. Nakakatuwang mag-almusal ng ganito. Masaya lang. Walang iniisip na problema.
Kumaen na kaming apat at gaya kanina hindi pa din tumitigil sa pang-aasar si Kuya Jojo saming dalawa ni Michael. Tinatawanan ko na lang lahat ng biro nya at ganun na din si Michael. Alam ni Kuya Jojo na naging kami dati ni Michael dahil magkabarkada sila at sobrang close sa isa't isa.
Hindi na din kami masyadong nagtagal ni Michael sa pagkaen at umalis na din kami agad. Pagkatapos naming magpaalam kay Lola at Kuya Jojo sabay na kaming lumabas ni Michael.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 3)
FanfictionKung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung anu at sinu ang sinisigaw nito. Pero paano kung ang tadhana mismo ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay kayo? Paano pag sa paglipas ng pan...