Hi guys!
Kamusta😊? Namiss ko kayo. Ang tagal ng last update ko hehe SORRY po. Pero dahil nasa mood na naman ako mag-update eto na! Isa lang muna ulet kasi super busy si author eh. Daming ganap sa life!
By the way guys! Napakinggan nyo na ba si Kikal sa TIMY? Super kilig to the bones ang boses di ba? Nakakaproud maging FAN nya sa totoo lang. Ang layo layo na ng narating nya at ng mararating nya. Nakakaexcite na magkaroon ng copy ng ALBUM nya at mas lalong nakakaexcite sa DECEMBER 10 😊😊😊.
At dahil dyan! Guys baka gusto nyo kaming samahan bago matapos ang taon na eto.
TARA AT MAGPARTY-PARTY kasama ang ibang TeamKAYECAL family. Para mameet ko na din kayo guys! Simpleng party lang naman 'to kaya don't expect too much guys, pero kung gusto nyo kakantahan at sasayawan ko na lang kayo😂😂😂. Charot! And expect nyo din na may expenses pero kung mag-eenjoy ka naman kasama kami, why not di ba? Minsan lang naman 'to. SANA MAKAPUNTA KAYO MAS MADAMI MAS MASAYA! Dala kayo papel at ballpen pipirmahan ko hahaha (lakas)😂😂😂!! For inquiries PM na lang po ang KCST😊.At bago ko po pala makalimutan. Na-inspired akong mag-update ngayon kasi nga may bagong cover na naman eh. Alam nyo naman na pag may bagong cover, may bago ding update hehehe. Oh sya ang haba na naman ng talumpati ko. 😂😂😂
Enjoy this chapter!! SEE YOU GUYS!!!😊
*****
REAH'S P.O.V.
"Good morning." Bati ni Kaye pagkagising ko. Nakaayos na sya agad hindi nya na naman ako ginising. Mukhang aalis na naman sya ng hindi nagpapaalam sa akin.
"Good morning. Aalis ka na?" Tanong ko pagkabangon ko.
"Oo sana Reah nagtext na kasi sila dapat daw maaga ako. Sorry hindi na kita ginising masyado pa kasing maaga para gisingin ka." Paliwanag nya.
"Kaye naman sinabi ko na sayo di ba maaga man o hindi dapat ginigising mo ko para nalulutuan kita ng breakfast mo. Hindi na tayo nagkikita sa umaga. Lagi mo na lang akong iniiwan ng hindi nagpapaalam."
"Mahal. Sorry na. Nagmamadali lang talaga ako. Babawi ako sayo mamaya promise after ng meeting uuwi agad ako ha. Promise. Sige na smile ka na. Aalis na ako malayo pa kasi meeting place namin."
"May magagawa pa ba ako eh paalis ka na? Mag-ingat ka ha. Tawagan mo ko pag may free time ka. I love you." Nakasimangot na sabi ko.
"I love you more. Smile ka na ha. Hahabol ako sa dinner. See you later." Nagmamadali na syang lumabas pagkahalik nya sa'kin.
"Haaaay palagi ka na lang naiiwan mag-isa Reah. Kakaen ka na naman mag-isa. Papasok ka na naman mag-isa. Mag-isa ka na lang talaga. Masanay ka na muna ngayon lang naman yan. Busy lang talaga sya." Kausap ko na naman sarili ko habang tinitignan sarili ko sa salamin.
Nagpalipas lang ako ng ilang minuto at pagkatapos kong magmukmok sa harap ng salamin na parang nababaliw nag-decide na din akong mag-ayos ng gamit ko para makapasok na din ako. Nagmadali na din akong maligo at kumaen para maunahan ko sa office si Sam. Palagi na lang kasi syang maaga. Naiinis ako pagmaaga sya ang dami nya agad binubungad na trabaho sa'kin. Hindi man lang nya ako bigyan ng oras magpahinga. Minsan nga hindi nya na muna ako pinapaupo sa upuan ko tatawagin nya na agad ako para sabihing may emergency meeting kami. Sobrang naiistress na ako sa trabaho ko. Daig ko pang nagtrabaho sa Hong Kong. Mas gusto ko pang bumalik dun kasi feeling ko mas boss ako dun kaysa dito. Palagi na lang kasing nakabantay sa'kin si Sam at hindi ko alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 3)
FanficKung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung anu at sinu ang sinisigaw nito. Pero paano kung ang tadhana mismo ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay kayo? Paano pag sa paglipas ng pan...