SWEET LOVE

1.9K 109 30
                                    

"CLOSE TO HEAVEN"
New cover of KAYE CAL
☝☝☝

Hi guys!

Dahil masaya na naman ako at nakita ko na naman kahapon yung gwapo kong idol na si KAYECAL😊😘😍! May update ako!!!!!!! 😄😊

By the way guys. Thank you sa mga sumali sa GUESSING GAME natin ha. As of now. Napansin ko halos pareparehas kayo ng sagot. Ibahin nyo naman. Kayo naman parang di nyo kilala si author at kung paanu ako mag-isip hahaha. EXPECT THE UNEXPECTED! 😂😂😂.

May mga malapit. Pero may hinahanap ako na PINAKA tumpak na sagot hahaha. Pwede pang manghula hangga't hindi pa napopost ang next chapter. Doon na lang kayo magcomment sa GUESSING GAME chapter.😊

Thank you ulet guys!!

Eto naaaahh!!!! Mag FLASHBACK na tayo para magkaalaman na kung anu talaga ang katotohanan 😊.





Enjoy!!!!




















*****




REAH'S P.O.V.



Magkasama pa din kaming dalawa ni Kaye. Hindi pa din kami bumabalik sa kwarto namin. Mamaya lang uuwi na kami sa Manila. Tapos na naman ang  bakasyon at pansamantalang kasiyahan namin. Babalik na kami sa realidad. Babalik na naman kami sa dati. Sana lang magbago na lahat. Sana kaya na naming pagsabayin at ibalanse ng tama lahat ng mga bagay na nakapaligid samin.

Nakaupo lang kami sa buhangin na punong puno ng mga petals. Wala kaming pakialam kung madumihan man kami. Kanina pa kami nag-uusap at nagkukwentuhan ni Kaye. Nakaupo ako sa tapat nya. Nakayakap sya habang nakatalikod at nakasandal ako sa kanya. Magkadikit yung ulo naming dalawa. Halos magdikit na mga muka namin sa sobrang close naming sa isa't isa.

"Kaye nung first week ng break-up natin saan ka nagpunta?" Tanong ko kay Kaye.

"Hmmm.. Sa Bar ni Nicky. Umiinom. Ganun lang ako palagi. Eh ikaw?" Sagot nya sabay balik ng tanong sakin.

"Umiinom ka palagi? Bakit?" Tanong ko imbes na sagutin tanong nya.

"Wala naman kasi akong gagawin sa condo ko kundi magmukmok at saka maiisip lang kita."

"Buti hindi ka pinapagalitan sa ginagawa mo?" Tanong ko.

"Anung hindi? Kung alam mo lang Reah." Natatawang sabi nya.

"Baliw ka talaga. Kung sa bagay kahit ako din naman minsan umiinom kasama si Jessy. One week din akong nagkulong sa kwarto ko at wala akong kinakausap kahit sinu. Kahit si Mama." Natatawa ako sa sinabi ko. Naiimagine ko kasi itsura ko nung mga panahon na yun.

"Nasabi nga sakin ni Tita." Pagkasabi ni Kaye nun pinatong nya ulo nya sa balikat ko. Naramdaman kong hinalikan nya ko sa balikat ko. Napangiti na lang ako.

Natahimik na lang ako. Hindi na din nagsalita si Kaye. Natutuwa talaga ako sa pwesto naming dalawa. Kahit hindi ako nakatingin kay Kaye ramdam kong nakatingin sya sakin. Nararamdaman ko init ng hininga nya na tumatama sa leeg ko. Sobrang lapit ng muka nya sakin. Nakakamiss talaga sya. Sobrang namiss ko yung ganitong Kaye.

"Namiss ko to." Mahinang sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Ako din. Namiss kong ganito tayong dalawa." Nakangiting sabi nya.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon