RANDOMANTIC

1.7K 103 55
                                    

cover by: KAYE CAL
☝☝☝

Napakinggan nyo na ba? Sinung kinilig??? At sinung hindi?? Sasapakin ko hahaha. Grabe lang talaga kinilig ako 😍😍😍 haha. Ang landi lang ng kanta parang si Kaye dito sa story 😂😂😂.

Nainspired na naman akong mag-update haha. Kung palagi lang may bagong cover mag-aupdate talaga ako araw-araw hahaha. Chaaarr lang.

Sorry sa late update guys!! At dahil highly requested ang mga intense scene ng KAYEAH . Pagbibigyan ko kayo. Now lang to ha di na mauulet hahaha. Naku kung di ko lang kayo love eh hahaha.

WARNING lang po.

Kung ayaw nyo ng scene lagpasan nyo na lang tong chapter na to hahahah😂😂😂.


Eto na ohh para sa inyo sana magustuhan nyo 😄😄😄.


Hala oohh excited sya! 😂😂😂😂😂



Enjoy!!!!























*****




REAH'S P.O.V.




"Kaye gising na please."

Kanina ko pa ginigising si Kaye para makaalis na kami. Marami pa akong dapat gawin sa office. Kahit ilang beses ko na syang gisingin ayaw nya pa ding bumangon.

"Mahal sige na. Gising ka na please. Malalate na ako. Iiwan na kita dito sige ka." Sabi ko habang nagmamadali akong magbihis. Nakita kong napadilat ng konti si Kaye. Napangiti ako bigla.

"Mahal bangon na dyan. Nakita ko dumilat ka na eh. Tara na. Dali na please."

Lumapit ako sa kanya at hinihila ko kamay nya para patayuin sya pero hindi ko sya kaya.

"Kaye naman eh." Naiinis na ako.

"Wag ka na pumasok. Dito ka na lang tabihan mo ko." Sabi nya. Nakapikit pa din sya.

"Kaye di ba malapit na tayong bumalik sa Manila. Kaya dapat kong matapos lahat ng trabaho ko. Sige na please."

"Reah please." Pagpupumilit nya.

"Hindi pwede! Sige ka! Iiwan na lang kita dito." Galit na sabi ko sabay pasok sa CR.

Nakakainis si Kaye. Ang aga-aga pinapainit nya ulo ko. Nag-ayos lang ako saglit ng buhok ko. Nakasuot na yung dress ko pero hindi ko pa nasasara yung zipper sa likod. Hindi ko sya maisara. Di ko maabot yung zipper. Hindi ko alam kung tumataba na ba ako kaya hindi ko sya maisara o sadyang mahirap lang talagang isara.

Maya maya lang habang pinipilit kong isara yung zipper napatingin ako sa sarili ko sa salamin at napangiti ako sa naisip ko.

"Ayaw mong tumayo ha. Tignan natin kung di ka magmadaling bumangon." Kinakausap ko na naman sarili ko.

Lumabas na ako ng CR. Nakita ko si Kaye na nakahiga pa din. Nakayakap pa sya sa unan ko.

"Mahal?" Malambing na tawag ko.

"Hmmm." Sagot nya habang nakapikit pa din. Tamad na tamad pa talaga syang bumangon.

"Favor naman oh. Pasara naman please." Nakangiting sabi ko sabay talikod sa kanya para ituro yung zipper sa likod ko. Nilingon ko sya para makita kung tatayo ba sya o hindi. Maya maya lang napangiti na naman ako. Ang bilis nyang nakatayo at lumapit sakin.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon