Hi guys!
Kamusta? Sorry ha super tagal ng update! Kasi naman nag-enjoy ako sa bakasyon😁.
Sorry na din agad sa title. Pinag-isipan kong mabuti yan. Hindi naman halatang kinuha ko sa bagong cover ni Kaye Cal di ba?😂 Wala kasi akong maisip eh. Alam nyo bang mas matagal akong mag-isip ng title kaysa gumawa ng story 😂😂😂. Mga isang linggo kong inisip hahaha. Ang hirap kaya!
Alam nyo kung bakit?
Kasi mahirap magkwento gamit ang ilang letra at salita. Dapat kasi sa title pa lang alam na agad ng readers ang mangyayari sa story or kahit magkaroon man lang sila ng clue. Ganun yon! Dapat title pa lang ulam na. Pak ganern! Haha anu daw??😨😂
Sorry na agad guys namiss ko lang kayo! Pero promise mahirap talagang mag-isip ng title per chapter. Ang pangit naman kasi kung CHAPTER 1.2.3.4.... etc. lang ilalagay ko di ba. Walang kabuhay-buhay dapat may title. Pero teka lang bakit kung anu-anu ng sinasabi ko😂😂😂. Back na nga sa story!
"Isang tanong. Isang sagot."
Kapag yan sinabi sayo ni Kaye makakasagot ka ba ng maayos? Oo o hindi! Sumagot kayo!😂😂😂
Love you all😘!!
PS. Wala pong kinalaman yung song sa story pero yung title meron😁. Alam nyo na yan! Kapag may partner ka na dapat loyal ka! Don't keep secrets. Bad kaya yun😐😑😒!
*****
REAH'S P.O.V.
Ilang araw ng lumipas. Naayos ko ng lahat ng dapat ayusin sa kasal namin ni Kaye. Kakabalik lang namin ni Kim galing ng Thailand para tignan yung venue ng kasal namin ni Kaye. Nilubos ko na lahat habang busy pa si Kaye sa schedule nya. Didiretso muna kami ni Kim sa bahay nila dahil sabi ni Kaye sya ng susundo sakin after ng mall show nya.
Habang nasa byahe kami ni Kim papunta sa bahay nila tahimik lang ako. Walang nagsasalita saming dalawa simula pa ng dumating kami dito sa Manila at mukang napansin na din ni Kim yung katahimikan ko kaya nagtanong na sya.
"Anu na namang problema?" Tanong nya.
"Ha?" Naguguluhang tanong ko.
"Come on Reah! Kilala kita. Ikwento mo na. Anu yan?" Tanong nya pero imbes na sagutin ko sya napatingin lang ako sa kanya at natawa.
"Sige na ikwento mo na! Anu ba yan? Away na naman ba yan o baka mamaya nag-iisip ka na naman na iatras yung kasal nyo?" Nagulat ako sa tanong nya.
"Of course not! Kim. Wala akong ikukwento sayo kasi okay na okay kami ni Kaye ngayon." Natatawang sagot ko.
"Eh bakit tahimik ka? Napansin ko na yan kahit nung nasa Thailand pa tayo. Anu bang problema mo?" Pagpupumilit na tanong nya.
"Wala." Simpleng sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Ayaw ko na munang sabihin kahit kanino tungkol sa problema ko.
"Hay naku Reah. Kung anuman yang iniisip mo pwede mo namang sabihin sakin eh malay mo matulungan kita. Para saan pa at naging kaibigan mo ko." Napatingin ulit ako sa kanya pagkasabi nya nun.
"Kim wala akong problema okay lang ako. Siguro kaya ako ganito kasi pagod lang tapos medyo kinakabahan na naeexcite kasi palapit na ng palapit yung wedding." Dahilan ko.
"Hindi ako ganyan nung malapit na kasal namin ni Nicky." Sabi nya sabay tingin ng masama sakin.
"Magkaiba naman kasi tayo." Sagot ko.
"Hindi ka ganyan kapag excited ka. Ganyan ka kapag may problema kang iniisip. Reah lokohin mo na lahat ng kaibigan mo wag lang ako kaya sige na ikwento mo na sakin yan." Natawa ako bigla sa kanya.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 3)
FanfictieKung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung anu at sinu ang sinisigaw nito. Pero paano kung ang tadhana mismo ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay kayo? Paano pag sa paglipas ng pan...