HOME TOWN

1K 56 12
                                    

Hi guys!

Dahil nasaktan ko kayo sa last update ko gusto kong mag-SORRY na 😄😃. Di bale babawi ako. Bawing bawi! Pakikiligin ko kayo. Sana kiligin kayo sa mga susunod na updates hahaha.

Pero bago yan! Wala kasi akong maisip na iattached dito sa update ko kaya etong VERSACE ON THE FLOOR na lang na version ni Kaye Cal tutal naman malapit na Gig ni idol eh 😊😊😊.

See you there guys ha!

This is it!

Enjoy!!!






*****

REAH'S P.O.V.

"Miss please pwedeng padouble check naman baka may available pa kahit maghintay ako ng isang oras. Please." Pakiusap ko sa receptionist ng hotel. Pangatlong hotel na to na napuntahan ko lahat sila walang vacant room.

"Ma'am sorry po talaga fully-booked na po lahat." Sagot nya.

"Please." Pagmamakaawa ko hindi ko na kasi alam kung saan ako mag-iistay ngayon.

"Sorry po talaga Ma'am fully-booked na po talaga lahat madami po kasi talagang bakasyunista pagganitong panahon." Sagot nya.

"Sure ka?" Huling tanong ko. Ngumiti at tumango lang sya sakin.

Hindi ko na sya pinilit ulit. Umalis na ako at umupo na lang sa gilid. Pagod na ako at wala pa akong tulog tapos lobat pa tong cellphone ko. Hindi ko na alam saan pa ako hahanap ng matutuluyan ko nawala kasi sa isip ko na ganitong panahon pala madaming tao dito pero kung sa bagay biglaan lang naman talaga punta ko dito at kung tutuusin hindi naman talaga dapat ako pupunta dito. Dapat talaga hindi ako bumalik dito.

"Oh my God!" Nagulat ako ng may biglang sumigaw sa harapan ko. Napatingin ako sa kanya.

"Reah!!!" Sigaw nya ng pangalan ko sabay yakap sakin. Halos matumba ako sa pagkakaupo ko.

"Excuse me Miss do I know you?" Tanong ko. Tinaggal nya pagkakayakap nya sakin at tumayo sya ng maayos sa harapan ko at nagtanggal ng shades nya.

"Reah nakakainis ka hindi mo na ba ko natatandaan?" Tanong nya. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Familiar sya pero hindi ako sigurado kung sya nga talaga.

"Anu ba yan Reah! Vhanch! Si Vhanch to!" Nagulat ako sa sinabi nya. Napatayo ako at tinignan ulit sya mula ulo hanggang paa. Ang laki ng pinagbago nya.

"Vhanch? Ikaw na yan?" Gulat na tanong ko. Sya si Vhanch isa sa mga matalik kong kaibigan at kababata ko nung dito pa kami nakatira nila Papa at Mama.

"Hoy grabe ka! Kung makatanong ka akala nito kung sinung kagandahan." Natawa ako sa sinabi nya.

"No what I mean is ang laki ng pinagbago ng itsura mo hindi kita nakilala mas maganda ka ngayon at in fairness sumexy ka." Bawi ko.

"Naman! Ako pa ba pero anu bang laban ko sayo mas maganda ka pa din sakin. Teka maiba tayo buti napabakasyon ka dito. Anu ng balita sayo? Tagal mong walang paramdam ha." Tanong nya sabay upo. Tumabi na lang din ako sa kanya.

"Biglaang bakasyon lang." Simpleng sagot ko.

"Ay ikaw na talaga buti di ka busy. Teka dito ka ba nakacheck-in?" Tanong nya.

"Hindi wala na kasing vacant room puno na sila." Sagot ko. Naalala ko bigla wala pa nga pala akong matutuluyan.

"Ay ganun ba. Oo nga pala fully-booked na kami."

"Kami? Teka dito ka nagwowork?" Gulat na tanong ko.

"No. Ay! Oo pala."

"Anu ba talaga?" Naguluhan ako sa sagot nya.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon