REAH'S P.O.V.
"Buti naman nakauwi na kayo. Gabing gabi na teka kumaen na ba kayo?" Tanong ni Lola Flor pagkauwi namin.
"Opo Lola kumaen na po kami sorry po ngayon lang." Sagot ko.
"Iakyat ko lang si KC sa taas hintayin mo na lang ako ihahatid kita pauwi." Sabi ni Michael.
Umakyat na sya agad sa taas para ilagay si KC sa kwarto nya. Nakatulog na din si KC kanina habang nasa byahe kami sobrang pagod na din siguro sya dahil sobrang likot nya kanina sa Mall.
"Kamusta lakad nyo?" Biglang tanong ni Lola Flor.
"Okay naman po masaya naman si KC dahil sa mga bago nyang toys." Nakangiting sagot ko.
"Mukang hindi lang naman si KC ang masaya eh."
"Po?" Naguluhan ako sa sinabi nya.
"Si Michael mukang masaya din pati na din ikaw." Sagot nya. Napangiti na lang ako. Kung sa bagay masaya naman talaga ako kahit papaanu. Masayang kasama yung mag-ama.
"Tara na." Aya ni Michael pagababa nya. "La pakitignan na lang po si KC ihatid ko lang po si Reah wag nyo na din po akong hintayin may susi naman po ako."
"Oh sige mag-ingat kayo ha."
"Opo. Bye po Lola Flor." Sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Balik ka lang dito kahit anung oras mo gustuhin. Welcome na welcome ka dito." Sabi ni Lola habang nakayakap din sakin.
"Thank you po."
"Sige na uwi ka na para makapagpahinga ka." Nakangiting sabi nya.
Naglakad na ako palabas ng bahay nila at sumunod lang sakin si Michael. Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mapangiti. Nakakatuwa tong araw na to.
"Mukang masaya ka." Biglang sabi ni Michael. Napatingin lang ako sa kanya sabay ngiti. "Buti naman nakakangiti ka na." Dugtong nya.
"Nakakatuwa kasi si KC. Ang kulet nya pero nag-enjoy akong kasama sya." Nakangiting sagot ko.
"Si KC lang?" Tanong nya.
"Oo. Bakit meron pa bang iba?" Tanong ko kahit alam ko naman na sarili nya yung tinutukoy nya.
"Meron pa Reah. Hindi lang naman sya kasama mo kanina ha."
"Ay Oo nga pala si Lola Flor pa. Nakakamiss din sya kahit sobrang tagal na naming hindi nagkita pakiramdam ko mas love nya pa din ako kaysa sayo." Natatawang sabi ko.
"Si Lola Flor at KC lang talaga?" Tanong nya. Huminto sya sa paglalakad.
"Oo bakit sinu pa ba?" Mapang-asar na tanong ko. Huminto din ako sa paglalakad ko.
"Hay naku. Wala! Tara na para makapagpahinga ka na." Sabi nya sabay lakad ng mabilis. Natawa ako sa kanya.
"Oo na. Sige na. Ikaw din." Napahinto sya sa sinabi ko at lumapit ulet sakin.
"Anung ako din?" Nakangiting tanong nya.
"Eto naman ipapaulet pa eh alam mo naman na tinutukoy ko. Tara na para makauwi na ko." Sabi ko sabay lakad palayo pero pinigilan nya ko. Hinawakan nya ko bigla sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko pero hindi sya sumagot nakatingin lang sya sakin. "Alam mo ikaw para kang baliw. Tara na uuwi na a---." Napahinto ako. Hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng bigla nya kong yakapin.
Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung anung gagawin ko. Yayakapin ko din ba sya o hindi? Bakit ba kasi niyakap nya ko? Anu bang nasa isip nya? Pakiramdam ko sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Anu ba naman to? Reah gumawa ka ng paraan.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 3)
Fiksi PenggemarKung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung anu at sinu ang sinisigaw nito. Pero paano kung ang tadhana mismo ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay kayo? Paano pag sa paglipas ng pan...