Hi guys!
Sorry sa paasang chapter kahapon😭😭😭. Patawarin nyo ako. Haha. By the way. Nasa bakasyon si idol ngayon. Nag 'Plane to Busan' 😄😄😄 (Osaka Japan pala) gusto ko din dun. Tara guys lipad na tayo!!! 😂😂😂.
Ohhsya! Tama na ang lokohan! Back na sa story. Pero bago ang lahat!!! Reminders muna.
Guys yung mga susunod na chapters ay puro FLASHBACK na po ha 😊😊😊. Magsisimula tayo kung saan natapos ung Two Hearts Book 2. I hope natatandaan nyo pa. At kung hindi na. Pwede nyo naman ulet basahin 😄😄😄. Pero mga two chapters pa siguro bago ang FLASHBACK.
Naeexcite akong malaman mga reaksyons nyo sa mga mangyayari. So guys sana makapagcomment kayo every chapters ha. Kausapin nyo naman ako kasi baka mamaya ayaw nyo na ng story haha para magawan naten ng paraan 😂😂😂.
Ok tama na lokohan! Totoohanan na!
ENJOY!!!
*****
KAYE'S P.O.V.
Yakap yakap nya ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba syang yakapin pabalik. Nasabi ko na sa kanya lahat ng gusto kong sabihin. Sapat na siguro yun para malaman nya kung anung nararamdaman ko sa twing nakikita ko sya ngayon. Sa tuwing lalapit at hahawakan nya ko. Yung araw na nagdampi ulet yung labi namin. At yung araw na nakatabi at nasolo ko sya ulet. Lahat yun naalangan akong gawin sa kanya dahil natatakot ako. Natatakot akong mahulog ulet ng sobra sobra sa kanya. At natatakot akong masaktan ulet ng dahil sa kanya. Pero kahit anung gawin ko. Kahit anung iwas at tago ko.... Hanggang ngayon sya pa din yung mahal ko.
"Kaye. I'm sorry. I'm really sorry. Alam ko nasaktan kita. Kaye I'm so sorry." Naiiyak na sabi ni Reah.
Napaiyak ko na naman sya. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Ayaw kong umiiyak sya. Ayaw kong nakikitang nahihirapan at nasasaktan sya. Nadudurog yung puso ko.
"Reah tama na. Wag ka ng umiyak. Please tahan na. Sorry sa mga nasabi ko." Sabi ko habang pinupunasan luha nya.
"Hindi Kaye. Ako dapat yung magsorry. Ako dapat nagsasabi nyan. Sorry Kaye. Sorry. Sorry. Sorry." Paulet ulet na sabi nya.
Ayaw tumigil ni Reah sa kakasabi ng sorry sakin. Hindi ko alam kung panu ko sya patitigilin.
"Reah. Tama na please. Okay na. Wala naman na tayong magagawa. Nangyari na lahat. Nasaktan na tayong dalawa. Hindi na mababalik yun. Kaya please tama na."
Tumigil na sa pagsasalita si Reah pero umiiyak pa din sya.
"Okay na Reah. Okay na ko sa ganito. Yung nakikita ka. Yung nakakalapit ako ng ganito sayo gaya ng dati. Okay na ko kahit ganito lang. Masaya na ko basta makita ko lang na masaya ka. Kaya please wag ka ng umiyak. Nasasaktan ako."
"Kaye. I'm sorry. Alam ko nasaktan talaga kita. Alam ko naging selfish ako. Alam kong sobrang laki ng kasalanan ko pero sana. Sana talaga maging okay pa tayong dalawa. Kahit magkaibigan lang." Sabi nya.
Magkaibigan lang. Yun lang talaga kaya nyang ibigay sakin.
"Magkaibigan pa din naman talaga tayo Reah. Hindi na magbabago yun pero hindi na nga lang katulad ng dati." Malungkot na sabi ko.
Naiinis ako sa mga sinasabi ko. Ayaw ko ng ganito. Kung babalik lang din kami sa pagiging magkaibigan dapat yatang iwasan ko na lang sya kaysa magstay sa ganitong sitwasyon. Pero hindi ko din kayang malayo ng sobra sa kanya. Akala ko dati kaya ko. Nakatagal ako ng isang taon na wala sya sa tabi ko pero simula ng makita at makausap ko ulet sya pakiramdam ko bumalik lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 3)
Fiksi PenggemarKung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung anu at sinu ang sinisigaw nito. Pero paano kung ang tadhana mismo ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay kayo? Paano pag sa paglipas ng pan...