REAH'S P.O.V.
Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko. Napabangon ako bigla at napababa ng marinig kong sumisigaw si Lola. Nagmadali akong hanapin sya at ng makita ko sya.
"Lola anung---"
Nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko natuloy yung sasabihin ko kay Lola.
"Good morning Reah." Bati sakin ni Lola.
"La anung meron bakit po nag-aayos kayo dito?" Tanong ko. Ang laki ng pinagbago ng garden ni Lola parang bumalik na ulet sya sa dati. Ang dami na ulet mga bulaklak. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
"Wala naman hindi mo ba nagustuhan? Pinagtulungan namin yan kahapon ni Kaye. Di ba Kaye?" Tanong ni Lola kay Kaye. Nawala bigla yung ngiti sa muka ko nakalimutan kong nandito na nga pala si Kaye. Napatingin ako sa kanya nakangiti lang sya sakin.
"Dapat hindi kayo masyadong nagpapagod La masama sa inyo yan eh. Kumaen na po ba kayo?" Segway na tanong ko para lang maiba yung usapan.
"Oo tapos na ako pero si Kaye hindi pa. Kaye tara na kumaen ka na muna sabayan mo na si Reah." Aya ni Lola sabay hila saming dalawa ni Kaye papasok sa loob. Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Kaye.
"La hindi pa po ba uuwi si Tito at Kuya Jojo?" Tanong ko pagkaupo ko.
"Hindi pa daw baka bukas pa. Kaye oh kumuha ka nito tikman mo ha favorite ni Reah yan." Napatingin ako bigla kay Kaye. Nakaupo sya sa tapat ko hindi ko alam kung matutuwa ako kasi sinagot ni Lola yung tanong ko pero parang wala syang pakialam sakin simula ng dumating si Kaye kahapon.
"Nakita nyo po ba yung bag napinapabigay ni Lola Flor sa inyo?" Tanong ko.
"Oo kanina ko lang din nakita ay teka lang Reah may lakad ba kayo ni Michael ngayon baka pwedeng isama nyo na lang si Kaye?" Nagulat ako sa tanong ni Lola dahilan para masamid ako. Uminom agad ako ng tubig bago ko sya sagutin.
"Lola naman."
"Oh bakit? Anung masama sa sinabi ko?" Nagmamaang-maangan na tanong nya.
"Wala po kaming lakad pero aalis po ako." Sagot ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong agad ni Kaye pero hindi ko sya sinagot. Anu bang pakialam nya.
"Oo nga Reah saan ka pupunta?" Inulet lang ni Lola yung tanong ni Kaye.
"Sa kabilang bahay po." Sagot ko.
"Ay oo nga pala. Kaye samahan mo na lang si Reah ha."
"LA!!" Napasigaw ako bigla.
"Sinisigawan mo ba ako Reah?" Tanong ni Lola.
"Hindi po. Sorry po, hindi po ko sumisigaw napalakas lang. Wag nyo na po akong pasamahan kay Kaye kaya ko naman pong pumunta mag-isa dun eh." Paliwanag ko.
"Magpasama ka medyo malayo yung bahay nyo at kailangan mo ng sasakyan."
"Lola naman hindi na po kaya ko naman eh. Tutulungan na lang kayo ni Kaye sa garden."
"Tapos na yung garden bibilhan na lang ng iba pang bulaklak samahan mo na lang din si Kaye mamili dun sa Secret Garden ng ibang bulaklak na pwede dito sa garden para makapamili ka na din ng mga gusto mo." Utos ni Lola. Hindi ko na alam idadahilan at sasabihin ko sa kanya. Napatingin na lang ako kay Kaye nakangiti lang sya habang kumakaen. Nakakainis talaga.
"Good morning."
Napatingin kaming lahat sa dumating at bumati samin.
"Michael. Good morning din. Maaga ka na naman yata akala ko ba wala kayong lakad ni Reah ngayon?" Tanong ni Lola kay Michael. Napatingin ako bigla kay Kaye kung kanina nakakangiti pa sya ngayon hindi na. Ang sama ng tingin nya kay Michael.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 3)
FanfictionKung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung anu at sinu ang sinisigaw nito. Pero paano kung ang tadhana mismo ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay kayo? Paano pag sa paglipas ng pan...