Hi guys🙈.
Kamusta naman kayo?😂 Kamustahin nyo naman ako kasi lagi na lang kayo eh hahaha😂. Guys after ng last update ko alam nyo ba na...
AYAW KO NA!😂
Mag-aabroad na ako at hindi na ko magpapakita sa inyo hahahaha😂. Chaarrr lang.
Anyway! Back na sa story. I know maraming nabuhayan sa last update ko. Kayo talaga ooh! 😁😆.
FYI lang guys. Sa update na to hindi ko sasabihin yung exact place kung saan sila nagpunta. Gaya lang din ng dati hahayaan ko lang kayong mag-imagine kung nasaan sila at kung anung naiisip nyong lugar at nangyayari. Kayo ng bahala guys I know malawak ang inyong pag-iisip at maiimagine nyo din tong chapter na to gaya ng pag-iimagine nyo kay Kaye sa last chapter😂😂😂.
Enjoy guys!!!
*****
KAYE'S P.O.V.
Nagising ako nang may maramdaman akong nakahawak sa mukha ko. Pagkadilat ko nakita ko si Reah na nakatingin at sobrang lapit na naman ng mukha nya sa akin. Nginitian nya agad ako. Kung ganito naman kaganda makikita ko sa paggising ko mapapangiti na lang talaga ako at hindi na ko babangon.
"Good morning." Bati nya.
"I love you." Sabi ko sabay halik sa labi nya.
"I love you more. Kamusta tulog?" Tanong nya.
"Okay naman pero mas lalong naging okay kasi ikaw katabi ko." Nakangiting sagot ko.
"Ang aga mong mangbola. Tara na kanina pa nila tayo ginigising." Natatawang sabi nya.
"Kanina pa? Bakit anung oras na ba? Maaga pa naman ha." Tanong ko sabay tingin sa oras.
"Alam mo naman mga kasama mong bata excited masyado. Tara na. Mauna na kong sa CR ha bumangon ka na dyan." Napangiti ako bigla sa sinabi nya.
"Susunod ako?" Nakangising tanong ko.
"Sumunod ka pagkatapos ko." Madiing sagot nya sabay pasok sa loob ng CR. Natawa ako sa kanya.
Bumangon na ako at bumaba muna saglit para tignan mga kasama namin. Pagkababa ko nakita ko si Nica at yung mga kapatid ko na ready ng umalis. Dumiretso ako ng kitchen at nakita ko din si Mommy at Tita.
"Kaye bakit hindi ka pa nakabihis?" Tanong ni Mommy.
"Kagigising ko lang po. Bakit ang aga nyo masyado?" Tanong ko.
"Mas maganda na yung maaga para iwas traffic. Sige na magbihis ka na." Sagot ni Mommy.
"Sige po. Sinu po bang magdadrive?" Tanong ko habang nagtitimpla ako ng kape ko.
"Si Jessy na lang daw kasi sya nakakaalam nung lugar." Sagot ni Tita.
"Sige po. Hintayin ko lang matapos si Reah kakapasok nya lang kasi sa CR."
"Sige basta dalian mo ha. Ilagay mo na din yung gamit nyo ni Reah sa van habang hinihintay mo sya." Utos ni Mommy.
"Sige po." Pagkasabi ko nun uminom lang ako ng konti sa kape ko at umakyat na agad sa taas.
Kinuha ko lang muna yung bag naming dalawa ni Reah at saka bumaba ulit para ilagay yun sa van. Nasa sala lang silang lahat at kaming tatlo na lang ni Jessy at Reah ang hinihintay nila. Nagmadali na akong umakyat ulit at pagkaakyat ko sakto naman na tapos na si Reah.
"Ang bilis mo ha." Natatawang sabi ko.
"Maliligo din naman ako mamaya." Paliwanag nya.
"Okay." Sabi ko sabay halik sa noo nya bago ako pumasok sa loob ng CR.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 3)
FanfictionKung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung anu at sinu ang sinisigaw nito. Pero paano kung ang tadhana mismo ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay kayo? Paano pag sa paglipas ng pan...