Hi guys!
Musta? Miss nyo na ba si Kaye? Ako kasi Oo hehe. At dahil dyan. Matatagalan pa ang pagbabalik nya hahaha.
Enjoy this chapter guys!
*****
REAH'S P.O.V.
"Reah sure ka hindi ka sasama samin?" Tanong ni Chloe.
"Hindi na muna. Pass na muna ako. Tatapusin ko pa kasi yung project natin eh."
"Haaay naku Reah. Next week pa pasahan nun. Sama ka na muna samin." Aya ni Sandy.
"Hindi na. Sige na kayo na lang. Uuwi na ko. Hinihintay na din ako ni Mama. Ingat kayo ha. Bye." Nagmamadali akong umalis. Hindi ko na sila hinintay na makapagsalita pa ulet. Alam kong hindi sila titigil kakaaya sakin hangga't hindi nila ako napapapayag na sumama sa kanila.
Dumaan muna ako sa locker ko para kunin yung iba ko pang libro. Sobrang dami ko ng bitbit pero kailangan ko pa ding iuwi yung iba ko pang libro. Malapit na finals namin at kailangan makahabol sa mga grades.
Pagkakuha ko ng libro ko sa locker ko. Hindi ko na alam kung paano ko na sila bibitbitin. Sana pala ginamit ko na lang yung malaking bag ko kanina. Wrong timing pa pagkakasakit ni Tristan wala tuloy akong katulong magdala pauwi ng mga libro ko. Bakit naman kasi napakasipag kong mag-aral.
"Tulungan na kita." Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Michael?"
"Amina." Sabi nya sabay kuha ng mga librong dala ko.
"Ha? Hindi na. Kaya ko na to."
"Reah. Amina. Ako na magbibitbit."
"Hindi na nga kaya ko na talaga. Promise."
"Reah. Isa."
Hindi na ko nagsalita. Binigay ko na lahat ng dala kong libro.
"Babe. Let's go." Biglang dumaring si Rencie.
Napatingin lang ako kay Khel. Aalis yata sila.
"Sige na Rence una ka na lang dun susunod ako ihatid ko lang si Reah."
Nagulat ako sa sinabi ni Khel. Napangiti ako. Mas importante pa din pala ako sa kanya.
"Ha? Anung mauna? You mean pupunta ako mag-isa dun? No way." Pag iinarte ng girlfriend nya.
"Aaaaaahh.... Sige na Khel. OK lang ako kaya ko naman eh." Sabi ko sabay kuha ng mga libro kay Michael pero hindi nya binibigay sakin.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 3)
FanfictionKung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung anu at sinu ang sinisigaw nito. Pero paano kung ang tadhana mismo ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay kayo? Paano pag sa paglipas ng pan...