Kabanata 5: Game"AHEM!"
Oh shit!
Aligaga akong napatayo nang maayos at mabilisang inayos ang sarili ko. Napayuko at napakagat sa ibabang labi ko. Ano 'yun Iah? Buti nalang tumikhim si Reymark kundi..jusko!
Inangat ko ang tingin ko kay Reymark na ngayo'y nakangisi sa'kin. Nahihiya ko naman siyang nilingon. I smiled awkwardly. "S-sala--salamat."
Tinanguan niya lang ako at nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa nang kanyang suot na khaki short.
Sigh.
"Inggit ako." Bulong Reymark.
"Gusto mo tulak din kita?" Bulong ko pabalik.
"Sege-sege."
"Itulak kita dyan sa kalsada?"
"Ay! Harsh!" Binalingan niya si Ivan. "Uhmm...ano...I just want to formally introduce myself." Laglag ang panga kong nakatingin kay Reymark. Tama ba 'yung narinig ko? Um-english siya? Nilahad niya ang kanyang kamay sa nakatitig sa kanyang si Ivan. "Macky" Pakilala niya.
"Anong Macky? Reymark kaya." Singit ko habang natatawa.
"Shatap bes!"
"Ivan" sabay tanggap sa kamay ni Reymark. Nagshake-hands sila. Hahablutin na sana ni Ivan ang kamay niya nang pigilan ito ni Macky.
"Hihi" ang bakla ay namula. At tuluyan nang binitiwan ang kamay ni Ivan.
Nilingon niya ako. Natigil ako sa pagtawa. Do I need to introduce myself too? "Iah" sabay lahad ko nang kamay ko na agad naman niyang tinanggap. "Ivan."
"Oh? Andito pa pala kayo." Ani nang kalalabas na si Along Tina.
"Paalis na din Aling Tina. Ikaw po ba ay hindi manonood?" Tanung ni Macky.
"Naku! Hindi na Macky. Sa susunod nalang."
"Ay sege po. Alis na po kami?"
"Sege." Binalingan niya si Ivan. "Mag-enjoy ka, Ivan."
Tahimik lang kaming naglalakad sa gilid nang kalsada papunta sa bakanteng lote kung saan ginaganap ang laro. Nasa likod ang dalawa kung kamay habang tahimik na naglalakad. Nilingon ko naman ang katabi kung tahimik lang din na naglalakad habang nasa bulsa ang kamay. Nilingon ko si Macky sa likuran namin at napaawang ang bibig ko sa ginagawa niya.
'Yung kamay niyang hinawakan ni Ivan kanina ay hinahalikan niya lang naman at hinahaplos sa pisnge niya. Malala na ang isang 'to!
Malayo palang ay rinig ko na ang sigawan at tilian nang mga tao na nagmumula doon sa bakeball court namin. Malayo palang ay kitang-kita na kung gaano ka kaliwanag doon at kung gaano kadami ang taong nanonood at di nga ako nagkamali. Madami nga. Nagsisimula na ang unang game kaya nakipagsiksikan kami sa mga tao para lang makarating sa may dulo kung nasaan ang mga kaibigan namin. Sina Boboy.
"Iah Mylabsss!" Agad na tawag sakin ni Boboy nang makita ako. Kumaway ako at lumapit sa kanila. Handang-handa na talaga sila. Nakasuot sila nang kulay pula na jersey na may nakalagay na 'Red Eye'--pangalan nang team nila.
BINABASA MO ANG
When I See You Again
General FictionIs it possible to love someone you didn't see more than a decade and no communications at all?