Ang gaan-gaan nang loob ko nang magising ako kinabukasan. Nilingon ko ang gwapong lalaking natutulog sa'king tabi.Haays... Bakit ba kasi ang gwapo niya?
Ngumiti ako. Sinubukan kung hawakan ang kanyang mukha nang makita ko ang sing-sing sa aking daliri. OMG! Hindi panaginip ang nangyari kagabi. Totoong engaged na ako! Ika-kasal na ako sa lalaking mahal na mahal ko.
Kagabi muntik nga may mangyari! Uminit ang pisnge ko nang maalala iyon. Buti nalang talaga nagawang pigilan ni Ivan. He respects me, even though I'm ready. Handa na akong ibigay sa kanya ang lahat, dahil mahal ko siya. But he didn't. Gusto niya munang makasal kami bago iyon! At dahil doon mas lalo lang akong na nahuhulog sa kanya!
"Hey,"
Nilingon ko siya. Nakangiti siya habang pinapanood akong mukhang tanga habang tinititigan ang sing-sing. Binaba ko ang kamay ko.
"M-morning," awkward kung bati sa kanya
He lean closer and give me a kiss on my forehead.
"I want us to get married as soon as possible." He said, huskily.
"Hindi ka naman ata excited, ano?" Ngumiti ako.
He chuckle. "I'm not," he touch my face. And pinched my nose. "Hindi na ako makapaghintay. Sa wakas may maghihintay na rin sa'kin sa pag-uwi,"
"So, uuwi ka na araw-araw ganoon?"
"Araw-araw, maaga pa."
Napangisi ako. "That's good to know. Don't worry, aabangan kita palagi sa pinto. Yayakapin kita at bibigyang nang kiss tuwing uwi mo."
Lumawak ang kanyang ngiti, sabay haplos saking pisnge "Aasahan ko 'yan."
"Syempre, mangyayari 'yun pagkasal na tayo."
"Aish. Magpakasal na kaya tayo ngayon?"
Tumawa ako. "Baliw"
"I'm serious."
"Walang problema 'yun sakin."
Bumuntong hininga siya at muling hinaplos ang aking mukha. "As much as I want it, but I can't. Gusto kong, paghandaan 'yon. Gusto kong bigyan ka nang isang kasal na deserving nang isang kagaya mo."
"Ivan, kahit ano pa 'yan, walang problema sakin. Basta ikaw 'yung groom ko, na maghihintay sakin sa altar. Simple lang ang gusto ko badta andoon ang pamilya natin sa araw na 'iyon, okay na ako 'doon."
"Yes, baby. We will do that. I will start planning for everything now. I want to marry you asap."
"Me too. But please, let me help you in the planning and preparation. Dapat dalawa tayong mag-asikaso 'non."
"Okay. I love you,"
"I love you, too."
--
Hinatid ako ni Ivan sa condo ko. Buti nalang talaga at natuyo 'yong damit ko kaya sinuot ko nalang ulit. Nakakahiya naman kasi kung 'yung damit niya pa rin ang suotin ko.
Hinintay niya ako. Tsaka niya ako hinatid sa hospital.
--
Tili at hampas ang natanggap ko mula kay Macky nang ipakita ko sa kanya ang sing-sing. Bogbog sarado ako sa bakla!
"Whoaa.. Oh my ghaad, beesss! Waaah! Inggit ako!"
"Tumigil ka nga, Macky! Nakakahiya ka." Tumatawang pigil ko sakanya.
Ngumuso siya. "Eh~ ikakasal ka na. Baka makalimutan mo na ako niyan."
Ang arte-arte!
Lumapit ako sa baklang nag eemote! Niyakap ko. "Ano ka ba. Kahit kailan, hinding-hindi 'yun mangyayari! Magkaasawa, magkaanak o magkaapo man ako, gusto ko andoon ka lang sa tabi ko. Pwedi ba 'yun, bessy?"
BINABASA MO ANG
When I See You Again
General FictionIs it possible to love someone you didn't see more than a decade and no communications at all?