Kabanata 13: Gone
Sobrang gaan nang pakiramdam ko nang magising ako kinabukasan. May ngiti sa aking labi habang bumabangon sa aking higaan. Inayos ko ito at lumabas nang aking kwarto. Naabutan ko sina mama at papa sa kusina. Tulog pa ata si Ate.
"Happy Birthday, anak!" Salubong ni Mama sakin at agad akong niyakap at binigyan nang halik sa pisnge. Ganun din si Papa. Naging malaki ang ngiti ko.
"Yiee. Sweet talaga nang magulang ko." Niyakap ko silang dalawa. "Salamat po."
Kumalas si Mama at tinitigan ako. "Ay suus. Mukhang ang saya nang gising nang anak ko, a? Ang aliwalas nang mukha." Ani Mama.
Nahiya ako at napayuko. Masyado bang halata?
"Ano ka ba, Mahal. Syempre araw ito nang bunso natin kaya siya masaya." Binalingan ako ni Papa. "Ang bunso ko dalaga na."
"Ay suuus. Si papa nagdrama na." Natatawa kung sinabi at niyakap ang kanyang braso.
"Basta Iah, anak. Wag mo na magbo-boyfriend, okay? Mag-aral ka muna." Ani Papa. Muntikan na akong mabilaukam sa sinabi niya.
"O-opo, pa. W-wala pa naman po talaga akong plano." Tumawa ako nang pilit.
"Pero kung hindi na talaga mapipigilan, at tumibok na 'yang puso mo..ipakilala mo muna sa'min, okay? Para masuri namin. Kung okay naman, mabait at maalaga... bakit hindi?" Ani Mama na siyang nagpalaki nang mata ko.
"P-po?"
"Kinse din ako 'nun nang magkaboyfriend." Nilingon ni Mama si Papa. "... At 'yun yung papa mo." Nagngitian sila at hindi ko napigilang sumabay sa kanilang matamis na ngiti. Binalingan ako ni Mama. "Hindi 'yan mapipigilan, anak. Basta ba sa tamang tao. Hindi ako tututol."
Mas lalong naging magaan ang pakiramdam ko matapos naming mag-usap nina Mama at Papa. Hindi ko mapigilan ang aking mga ngiti. Hindi ko alam pero masayang-masaya ako dahil sa kanilang sinabi. Payag sila, basta ba ipakilala ko lang sa kanila at mabait ito.
"I like you.."
"Hindi ko ito sinasabi para e-pressure ka. O para gustuhin mo rin ako pabalik. Sinasabi ko ito para malaman mo ang tunay kung nararamdaman para sa'yo. Wag mo na akong iwasan, please. Hindi ko gusto ang pakiramdam na iniiwasan mo ako. Wag kang lumayo dahil lang sa nalaman mo ang feelings ko. We can stay like this. Hanggang sa maging pwedi na. Okay?"
Naalala ko ang kanyang sinabi kagabi. Hanggang sa maging pwedi na? Pwedi na diba? Pumayag na sina Mama at Papa. Pero ako? Handa na ba ako? Hindi na ba ako naguguluhan? Alam ko na ba ang tunay kung nararamdam? Oo! Gusto ko din si Ivan. Pero kalati sa'kin ay natatakot. Natatakot akong aminin ito sa kanya. Kahit sa sarili ko'y natatakot ako. Natatakot akong pumasok sa isang relasyon. Hindi taga dito si Ivan, at kahit na anong oras pwedi siyang umalis. Gaya nang sabi ko malayo ang Davao sa Manila. O ang Manila sa Davao. Madaming nagsasabi na hindi daw nag-wo-work out kung malayo kayo, kasi madaming pweding mangyari. Pero hanggang kailan ako matatakot?
Halos buong araw ay ginugol ko sa paglilinis nang bahay. Wala sina Mama at Papa. Pumunta sila sa palengke para mamili nang kunting ihahanda mamayang gabi. Napapangiti ako tuwing naalalang pupunta si Ivan mamaya. Iisipin ko palang na magkikita kami, umiinit na ang aking pisnge. Wala sa sarili akong napahawak sa aking labi at napangiti. Iniling ko ang aking ulo at natawa. Baliw ka, Iah!
Nanghapon ay tumulong ako kina Mama at Papa sa paghahanda habang busy si Ate kakatext sa sala. Nagkakatay si Papa nang manok sa labas habang tinitikman ko naman ang ginagawang sauce ni Mama na ihahalo mamaya sa spaghetti noodles.
BINABASA MO ANG
When I See You Again
General FictionIs it possible to love someone you didn't see more than a decade and no communications at all?