Kabanata 21

1.7K 34 1
                                    

Kabanata 21: Safe

Nakaupo ako sa sulok habang yakap ang aking dalawang tuhod. Magkatabi kami ni Macky na katulad ko, tahimik din. Pero hindi tulad ko, may tali pa rin ang kanyang kamay at paa.

Nagulat kami sa marahas na pagbukas nang pinto. Pumasok mula dito ang kaninang lalaki. Tinapon nito ang kaninang hinihipan na sigarilyo at lumapit sa'min. Muli na namang nabuhay ang kaninang kaba na nararamdaman ko. Mas lalo akong kinabahan at natakot nang hawakan niya ang braso ko at marahas na pinatayo.

"Tayo bilis!" Sigaw nito.

"T-teka... Saan mo siya dadalhin!" Sigaw ni Macky.

May pumasok na iilan pang mga lalaki. Sumenyas sa kanila ang lalaking may hawak sa braso ko.

"Dalhin niyo na ang isang 'yan!" Ani nito. Hinila niya ako at wala akong nagawa kundi ang sumunod. Takot akong nilingon si Macky. Hawak siya nang tatlong lalaki. Kinakalasan siya nang tali at gaya ko, marahas din siyang pinatayo at sumunod sa'min.

Binalingan ko ang madilim na daan na aming dinadaanan. Maliit ito na tama lang sa pangdalawahan. Lumiko kami nang dalawang beses hanggang sa makakita ako nang maliwanag na kwarto. Binuksan ito nang lalaking may hawak sakin. Bumungad sa'min ang maliwang at kulay puti na kwarto. May lamesa sa may gitna. Sa gilid nito ang isa pang lamesa na may nakapatong na mga basin at ang iba't ibang klasi nang scalpel, kutsilyo at mga gamit pang operasyon. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko.

"Bossing, dito na." Rinig kung sinabi nang lalaking may hawak sa'kin.

Binalingan ko nang tingin ang lalaking nakaupo sa may sulok. Naabutan ko itong nakatitig sa'kin. Nakaupo ito sa isang monoblock habang naninigarilyo. Tumayo ang lahat nang balahibo ko nang pasadahan niya ako ng tingin.

"Bwesit kang panget ka! 'Yung braso ko!" Rinig kung sigaw ni Macky, hanggang tuluyan na silang makapasok. "Iah!" Tawag niya sa'kin.

"Aba... mukhang sinuwerte ata tayo ngayon." Isang malalim na boses. Nilingon ko ang lalaking nakaupo kanina na ngayo'y naglalakad papalapit sa'kin. Nakakapanindig balahibo ang ngisi nito. Ngayon ko lang napansin kung gaano kalaki ang kanyang katawan. Halos puno nang tattoo ang kangyang dalawang braso. At nakakatakot tignan ang malaking peklat sa kanyang pisnge.

Napapikit ako nang ibuga niya sa mukha ko ang usok mula sa kanyang sigarilyo. Tinapon niya ito at inapakan. "Maganda 'tong nakuha mo, Roger." Ani nito. Napaidtad ako at napapikit nang haplusin niya ang buhok ko. Nailayo ko ang mukha ko nang maramdaman ko ang kamay niya saking pisnge.

"Shit! Don't touch her!" Galit na sigaw ni Macky.

"Tumahimik ka!" Sigaw nang lalaking may hawak sa kanya.

"A-anong k-kailangan mo s-sa'min?" Nanginginig kung tanung.

"May ooperahan lang naman kayo. Alam mo na... Trabaho 'yun nang doctor kaya ka andito ka." Sagot nito habang hinahaplos ang pisnge ko. Gusto kung masuka sa ginagawa niya.

"Operasyon? Anong klasing operasyon? B-bakit dito? B-bakit hindi sa ospital?"

Umiling ito. "Tsk tsk tsk... hindi lahat nang operasyon ay kailangang sa ospital. Ngayon, gawin niyo nalang kung ano ang gusto ko para walang gulo at walang masasaktan. Alam mo kasi, mabait ako lalo pag ganito kaganda." Ngisi nito. Mabilis akong nag-iwas nang ulo nang akmang hahalikan niya ako.

Tumawa ito. Kahit ang tawa niya ay nakakatakot, nakakakilabot.

"Simulan na! Dalhin na dito ang mga bata!" Sigaw nito.

Napatakip ako nang bibig nang makarinig ako nang iyak nang isang bata. Bitbit ito nang lalaki at deritsung pinahiga sa lamesang nakalaan.

"Mommmy!!!"

When I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon