Kabanata 10

1.8K 31 1
                                    


Kabanata 10: I promise. I'll make it up on you.

Naghahanda na ang iba para sa gagawing championship game sa basketball nung hapon. Alas singko palang ay puno na ang mga bleachers nang mga manonood ng laro. Nagsisimula na ang unang game. Nasa ilalim kami nang malaking puno kasama ang Red Eye team at si Macky. Ready na silang lahat. Pana'y streaching ang iba habang si Boboy ay naglalaro ng bola at si Ivan ay nakaupo lang, nakapikit. Naalala ko 'yung nangyari kanina. Napangiti ako bigla.

"Hoy!" Napangiwi ako dahil sa hampas ni Macky. Nilingon ko siya at tinaasan nang kilay. "Baliw! Ngumingiti mag-isa?"

Inirapan ko siya. "Pakialam mo ba?" Nag-iwas ako nang tingin dahil sa kahihiyan. Nahuli niya ako.

Malapit nang matapos ang unang game at sila na ang susunod na maglalaro. Tumayo sila at binitbit ang kanilang mga gamit para pumunta sa gilid nang court upang maghanda. Paalis na sana kami nang biglang may dumating. Isang grupo nang mga lalaking nakayellow jersey. Maangas ang kanilamg dating. Nakangisi ang mga ito habang pinasadahan ng tingin ang buong team. Sila siguro yung makakalaban nina Ivan na taga ibang baranggay. Nakikita ko ang tensyon na nagmumula sa kanila. Bumagsak ang tingin nang naunang lalaki sakin na may pinakanakakakilabot na ngisi. Sumipol ito at pinasadahan ako ng tingin. Natakot ako. Naramdam kung may humila sakin. Si Ivan na seryuso ang mukha. Umigting ang kanyang panga. Nilagay niya ako sa kanyang likuran. Mas lalong ngumisi ang lalaki at tinitigan si Ivan mula ulo hanggang paa.

"So...ito pala 'yung bago niyong kasama? Yung pinagmamalaki niyo?" Nakangising turan nung lalaking lider-lideran nila.

"Anong kailangan niyo?" Matigas na tanung ni Boboy.

"Whoa! Whoa! Relax, dude!" Natatawang sinabi nung lalaking may mahabang buhok. "Gusto lang namin makilala ang makakalaban namin. Kung kailangan ba naming matakot?" Tumawa siya kasama nang iba niyang kasama. "Pero...mukhang wala nga. Magpasensyahan nalang tayo, a?" Ang yabang! Pwe.

Agad na tumabi sakin si Macky. "Ampapangit tapos ang yayabang? Anyaree sa mundo?" Bulong niya.

"Wag masyadong mayabang, pre. Di pa nagsisimula ang laban." Ani Dino, sa normal na boses.

Ngumisi 'yung lider-lideran nila. "Hindi na kailangan nang laro mga pre, dahil alam na naming kami ang mananalo. Binabalaan lang namin kayo nang mas maaga, baka kasi..." Ngumisi ulit siya. "... Tumakbo kayo at magtago sa mga palda nang nanay niyo at magsi-iyakan." Tumawa sila.

Tinaas ko ang tingin ko kay Ivan na ngayo'y walang expression ang mukha. Nakatitig ito sa kanila. Nakakatakot ang mga titig niya.

"Wag masyadong confident, pre. Baka kasi kayo ang umiyak mamaya." Ani ni Boboy at tumawa.

"Tama na ang satsat. Ipakita niyo." Dagdag ni Miko.

Nang magsimula ang laro ay kasama si Ivan sa first five kasama si Boboy, Leo, Miko at Dino. Maduming maglaro ang kalaban lalong-lalo na 'yung lider-lideran nila. Ilang beses na nilang nasisiko si Boboy. Bantay sarado din sa kanila si Ivan na siyang palaging nakakascore sa team makalipas ang first quarter.

"Anubayan! Ang dumi nilang maglaro!" Relakmo ni Macky. "'Sing dumi nang itsura nila. Acck."

Na kay Ivan ang bola, dahil bantay sarado siya ay kinailangan niya itong ipasa, kay Boboy. Ito siguro ang unang laro na magkasundo ang dalawa. Na hindi naiirita si Boboy sa kanya.

Napasinghap ako nang sinadyang sikuhin 'nung may mahabang buhok si Ivan. Nabitawan ni Ivan ang bola at bumagsak si Ivan. Hindi pa ata nakita nang referree ang nangyari. Napatayo ako, nag-aalala.

When I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon